Martin, dalawang dekada ang relasyon kay Anj!


Anna Pingol — Pilipino Star Ngayon

August 30, 2025 | 12:00am

First time inawit nang live ni Martin Nievera ang kantang sinulat niya para sa tinatawag niyang “love of my life” na si Anj del Rosario, his girlfriend of nearly two decades during his vinyl album launch kamakailan.

Kasama kasi sa siyam na racks ng Martin Nievera Take 2 album niya ang Forever in Your Eyes na isinulat niya para noong nagsisimula palang ang kanilang relasyon. “It tells the story of how we fell, of how I feel in love and about our first kiss,” saad pa niya bago simulan ang kantang nakaka-in love ang lyrics.

Kung uunawain ang words ng kanta, sinasabi ni Martin na in that early stage ng relasyon nila noon, nakita na niya ang “forever” sa mga mata ni Anj.

Here’s an excerpt from the song: “Then that night when our lips first met / The endless night I will never forget / A million and one first kiss is meant for you / Here I go again, my love won’t end / I’m crazy for you / I could see a brighter day / And the words I cannot say /Touch me, hold me, and I fly away /You can’t believe my love is true / I save it all for you / And now I know I’ve come to realize / I can see forever in your eyes.”

Ilang beses itinuro ni Martin si Anj habang umaawit na abala naman sa pagvi-video ang kinikilig niyang nobya na first time ring narinig na inawit niya ito nang live.

Nang makausap namin si Martin after ng album launch program, nahingan pa namin siya ng konting detalye tungkol sa Forever in Your Eyes. At sa pagkakatanda niya, naiyak ang kanyang lovely girlfriend nang una niyang iparinig dito ang kanta na ini-record ni Christian Bautista sa request ni Martin. “I did a demo first and I sent it to her,” pagre-reminisce ni Martin. “Of course no one has ever written a song for her before. And she’s one of the simplest girl I’ve ever met. So when I wrote her that song, she was in tears ‘cause I was able to capture what we were going through… we were coming from different relationships… and I was coming to terms with my separation.

“What am I doing? I’m doing this again?” natatawang balik-tanaw ng Concert King. “So, those were the words of the song—falling in love again.”

At dahil ni-record ni Christian Bautista, kaya ni-release na rin niya ito under BMG Records was back in 2008. But this time, nag-decide si Martin na i-record na rin for his Take 2 vinyl album para mas ma-immortalize niya for Anj.

Bukod sa Forever in Your Eyes kasama rin sa Martin Nievera Take 2 album ang mga classics na Ngayon at Kailanman, Tell Me, Special Memory, Say That You Love Me, at Never Ever Say Goodbye, pati na rin ang version niya ng dalawa sa mga new favorite OPM songs niya—ang Di Na Muli ng bandang Itchyworms at ang Leaves ng Ben&Ben.

Nakapaloob din doon ang Be My Lady 2025 na nilapatan ng bagong areglo ng musical director na si Marvin Querido.

Forty years ang hinintay ni Martin para mai-record muli ang Be My Lady, ang kantang naglagay sa kanya sa mapa, so to speak. Vicor kasi ang may-ari nito at nakapaloob sa kontrata nya noon na hindi niya ito maaaring i-record sa ibang record labels. And now that he’s back with Vicor and in the arms of Boss Vic del Rosario na siyang unang naniwala sa kanya when he was 19 years old, nai-record na niya ito ulit ito finally and with a new twist.

Take 1 nga pala ang title ng very first ever recording album niya—also in Vinyl—under Vicor and now that he’s back with them, they decided na Take 2 naman ang gawing title ng kanyang homecoming album at i-release rin ito in vinyl format.

Paolo, gustong ipa-cremate ang trophy

Hindi na masyadong emotional si Paolo Contis nang tanggapin ang kanyang Best Comedy Actor trophy mula sa PMPC kamakailan dahil kasali ang category niya sa mga pre-announced winners ng nasabing award-giving body. Alam na niyang winner siya at ang attendance niya that night ay para literal pick-up-in ang kanyang tropeo.

Pero natuwa kami sa pagiging prangka niya sa kanyang acceptance speech nang pitikin niya nang slight ang mga balat-sibuyas na audience.

“Ang hirap magpatawa ngayon. Lahat nalang nao-offend, lahat na lang pangit ang sinasabi namin. Gusto lang po naming magpasaya ng tao. That’s all that we want so chill!”

Pagkatapos noon ay inalay naman niya ang kanyang trophy sa kanyang namayapang manager na si Manay Lolit Solis na itinuturing niyang pangalawa niyang ina. “Special ‘tong award na ‘to dahil inaalay ko ‘to kay Nay Lolit. Para sa’yo ‘to, ‘Nay… ipapa-cremate ko rin ‘to. Charing lang!”

“Special din ‘tong award na ‘to dahil kasama kong nanalo ang isa sa matalik kong kaibigan,” pagtatapos niya na ang tinutukoy ay ka-Bubble Gang niyang si Chariz Solomon na siya namang nag-uwi ng Best Comedy Actress award.

Pagbaba ng stage ni Paolo, agad sinabi ng program host na si Boy Abunda sa co-host niyang si Pops Fernandez na hindi lang umano sa comedy brilliant si Paolo kundi maging sa drama. Agree.

Congrats, Pao, at sa lahat ng mga nagwagi PMPC Star Awards na ginanap kamakailan.