Matteo, abala muna sa pagiging assistant ni Sarah!


MANILA, Philippines — Nakakatuwa si Matteo Guidicelli, 100 percent ang suporta sa asawang si Sarah Geronimo at habang wala pa siyang project, sinasamahan muna niya ang asawa sa mga concert nito. Ang pinaka-latest ay sa concert ni Sarah sa Thunder Valley Casino Resort in California.

Pinost ni Matteo ang photos nila ni Sarah at ang concert crew sa sold-out concert. Hindi lang basta sumama kay Sarah si Matteo, siya na rin ang naging photographer.

“Congratulations to Team SARAH X BAMBOO for a SOLD-OUT show sa Thunder Valley. The venue was stunning, the crowd was electrifying, and the energy was on a whole other level! Time stands still when Sarah & Bamboo take the stage – always an unforgettable experience.”

Kasunod nito, binati ni Matteo si Sarah sa 22nd anniversary nito sa industry. “Happy 22nd anniversary to my incredible wife.”

May post din si Sarah sa kanyang anniversary. Sabi nito, “22 years of love and passion for music. What was once just a dream has become a reality. All honor and glory to the ever of this gift of music. Thank You, Father God.

“To my family and all my loved ones, you are and will always be my inspiration.”

Pinasalamatan din ni Sarah ang kanyang fans na kung tawagin niya ang Popsters.

Sabi naman ng fans nito, siguradong kasama sa binanggit ni Sarah na “To my family and loved ones” ang kanyang mga magulang at mga kapatid.

Binebentang kandila ni Carla, pinapakyaw

Kahit post lang ni Carla Abellana sa kanyang candle business, ramdam mo ang saya nito at pagmamalaki.

“I’m making my first wholesale order of 100 candles for a company event. This is surreal. Thank you, Lord, for blessing the work of my hands. This is all because of you, Lord,” caption niya sa mga nakaayos na kandila.

Sa mga comment, mukhang na-inspire pa niya si Ryza Cenon na gusto ring matuto sa candle making. Sagot ni Carla, “Easy lang, Ryza! DM kita.”

By now, nakapag-usap na siguro sila at ‘wag tayong magtaka kung isang araw na lang ay gumagawa na rin ng scented candles si Ryza.

Speaking of Carla, matutuwa sila ni Bea Alonzo at iba pang cast ng Widows’ War, dahil for streaming sa Netflix ang pinagsamahan nilang murder-mystery series sa April na ikinatuwa ng fans ng dalawang actres.

Jillian, may next project na agad

Magbabakasyon, pero magwu-work pa rin ang nabanggit ni Jillian Ward nang tanungin ng mga ganap niya kapag natapos ang My Ilonggo Girl.

“Makikita n’yo ako diyan kung saan-saan for now. Bago ‘yung next project ko, may mga bagay kasi ako kailangan hintayin and mga ilang buwan din ang kailangan ko gawin na paghihintay.”

Hindi na nagbigay ng ibang detalye si Jillian kung anong mga bagay ang kailangan niyang gawin, pero wish ng fans nito, sana bigyan na siya ng GMA Pictures at GMA Public Affairs ng pelikula. Kailangan daw may pelikula ang Kapuso aktres na maghi-hit para hindi lang siya sa telebis­yon sikat, pati na rin sa pelikula.

Sayang nga at hindi pa magagawa ang movie niya kasama si Sen. Bong Revilla dahil busy ang senador sa kampanya. Wala na ring balita sa movie nila ni Michael Sager kung matutuloy pa ba.

And speaking of My Ilonggo Girl, may 1B views na ang romcom series in all platforms in just three months na tiyak na madadagdagan pa ito hanggang magtapos.