Matteo at Sarah, nakasabay kumain si Mel Gibson


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

August 18, 2025 | 12:00am

Ang saya ng buhay ng mag-asawang ­Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Panay ang pasyal nila sa Europe at napupuntahan nila ang mga magagandang lugar at nakakakain sa masasarap na restaurant.

At sa latest post ni Matteo, nakasabay pa nila ang veteran Hollywood actor na si Mel Gibson.

“OMA!! giancarlooo de Luca??!!

“Such a beautiful time in Rome. The @orientexpresslaminerva took great care of us and dinner was fabulous at @ilsanlorenzoofficial! And bumping into Mel Gibson was for the books!

“This one’s a fun reel!” buong post ng actor/host kasama ang misis.