August 31, 2025 | 12:00am
Baha na naman kahapon samantalang ilang oras lang umulan particular na Quezon City na nadiskubre ni Mayor Joy Belmonte na maraming ghost flood control projects.
Kaya naman nagpupuyos na naman ang dibdib ng mga netizen sa mga anak ng nangungunang mga contractor sa pagbaha sa bansa na todo ang pagpo-flaunt ng kanilang lavish lifestyle.
Lalo na at ang daming nagsi-share ng upload ng mga lifestyle content creator na nagbahagi sa mga “day-in-the-life” vlogs ng kanilang mga mamahaling biyahe sa ibang bansa at shopping sprees kasama ang kanilang mga pamilya.
Kaya’t pati si Matteo Guidicelli ay nagpa-comment ng “Real change begins with transparency, accountability, and integrity.”
At binigyan niya ng paliwanag ang nasabing tingin niya ay kailangan upang magkaroon ng pagbabago sa ating bayan.
Aniya tungkol sa integrity: “Integrity is the internal compass, doing the right thing even when no one is watching. It’s about values:
“•Leaders who lead by example.
“•Citizens who choose honesty over shortcuts.
“•A system that values moral courage over convenience.
“This is what changes the culture, not just the rules.
“Feel free to add on your thoughts and recommendations for better systems and building better culture.”
Pero hindi lahat ay positibo at umaayon sa post ni Matteo. May ilang tumawag sa kanyang ‘enabler’ na habang sinusulat namin ito ay wala pang sagot ang mister ni Sarah G.
