Mister ni Rufa Mae, nag-iisa nang bawian ng buhay!


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

September 12, 2025 | 12:00am

Nag-iisa pala ang mister ni Rufa Mae Quinto na si Trevor Magallanes sa bahay nang pumanaw ito sa Amerika.

At sa mga nagmamalisya kung paano ito binawian ng buhay, hindi raw ‘yun totoo.

Ayon sa isang close kay Rufa Mae, sinabi raw ng sexy actress na Aneurysm ang dahilan ng pagpanaw ni Trevor.

May iba kasing nang-iintriga na tinapos daw nito ang buhay niya.

Kaya nga raw apektado talaga si Rufa Mae dahil bago diumano nangyari ‘yun ay nag-reach out na ang pumanaw na mister kaya nagbabalak na rin sana si Rufa Mae na bumalik ng Amerika bukod pa sa hinahanap na raw ito ng kanilang anak na si Athena.

Pero nangyari na raw ang hindi nila inaasahan kaya iyak nang iyak daw ang sexy actress.

Last August nang inanunsyo ng komedyana na pumanaw ang mister na nagsilbi ring sundalo bago nag-pulis sa Amerika.

Nakiusap siya that time na ‘wag mag-speculate sa totoong dahilan ng pagkamatay nito ang mga netizen dahil nga ikinakalat ng iba na tinapos nito ang sariling buhay.

Sa isang post din ay sinabi niyang mag-asawa pa rin sila ni Trevor at hindi annulled ang kanilang kasal sa bansa.

Wala lang nabanggit ang source kung sa pag-aaring bahay ni Rufa Mae Quinto binawian ng buhay si Trevor.

PAGTATANGGOL NI MAINE KAY CONG. ARJO, 20M NA ANG REACH, TATAY CONTRACTOR DIN DAW

More than 18 million na ang reach sa dalawang post ni Maine Mendoza sa pagtatanggol sa mister na si Cong. Arjo Atayde sa X.

‘Yung una niyang post as of yesterday ay 13 million na habang ‘yung last post niya ay 5 million.

Ganun ka-active ang haters sa kasalukuyan.

Patuloy nga ang panglilibak sa ginawa niyang pagtatanggol sa mister na natural reaction naman talaga dapat ng isang katuwang sa buhay.

At ngayon ay kinakalkal naman ng ibang ha­ters ang lumabas na diumano’y isang contractor din ang ama ni Maine.

Dati nang mayaman ang pamilya ni Maine kung saan ang kanyang mga magulang ay nagmamay-ari ng ilang negosyo, kabilang ang mga gasoline station at road construction.