‘Kaloka naman ang dating komedyanteng si Rey Kilay na nag-post tungkol sa diumano’y pang-iisnab sa kanya ng ex-beauty queen na si MJ Lastimosa.
May nagkwento lang sa akin na pinost daw talaga nito na nakita raw niya si MJ sa mall sa Las Vegas at nag-hi raw siya pero tiningnan lamang daw siya nito.
Pero bongga si MJ na sumagot daw agad sa post ng komedyante.
Buti naman at nagpaliwanag agad si MJ.
Lumingon naman daw pala siya at ngumiti. Nagsabi naman daw siya ng ‘hello’ at malayo raw sila ng kaibigan niya kaya malamang ay hindi siya nito narinig.
Aliw ang sinabi niya na sa susunod daw ay gusto raw ba ni Rey na beso-beso sila at mahabang chikahan.
Humingi naman siya ng pasensya dahil jetlag pa raw siya at pigang-piga na ang energy niya. Next time raw at ta-tumbling pa siya papunta roon.
Naloka raw siya sa ex-comedian.
Iyan nga ang problema ngayon na konting kibot ay post agad sa social media nang hindi muna inaalam ang totoong nangyari.
Mas mapupuri pa sana si Rey kung sana ay dumirekta na lamang siya kay MJ.
Saka kung totoo mang nangyari nga ang pang-iisnab sa kanya, eh ano naman? Sana inisnab na lang din niya noh.
Saka sa tagal niya ring wala na sa ‘Pinas ay malamang marami na ang ‘di nakakakilala sa kanya.
‘Wag namang mag-expect na kilala siya ng lahat.
‘Kaloka. talagang sawsaw pa me.
Hahahaha.
Hindi bongga.
