October 15, 2025 | 12:00am
Ahhh may mangyari kaya sa expose ng karelasyon ni Nadine Lustre na bar owner sa Siargao, si Christophe Bariou, na diumano’y biktima sila ng harassment matapos nilang tanggihan ang umano’y P50-million extortion ng mga kinatawan ng hindi pinangalanang local officials ng Siargao, kung saan sila naka-base ngayon.
Mahaba nga ang post ng karelasyon ni Nadine sa Instagram kamakailan kaugnay sa diumano’y pananakot laban sa kanya at sa kanyang mga negosyo kaugnay ng proyekto ng Union-Malinao Bridge, na tinututulan nila ni Nadine.
Ayon sa mga report, ang limang kilometrong kahabaan ng kalsada ay naglalayong iugnay ang Barangays Union, Malinao at dalawang iba pang barangay na magbibigay diumano ng magandang tanawin ng Siargao, ngunit tinututulan ito ng ilang mga civic group at residente dahil diumano’y masisira nito ang ganda ng isla na paboritong puntahan ng mga turista.
Bahagi ng post ng negosyante: “I am disgusted by the cycle of corruption, political bullying, both online and offline, and vote-buying funded by public money, all of which I have personally witnessed. For decades, these acts have rigged local elections, compromised the future of an entire generation, and damaged the environment, while those in power have weaponized the very institutions meant to protect it.”
Dagdag pa niya: “Before the elections, individuals claiming to represent certain politicians approached Nadine and me, offering to ‘resolve’ the bridge issue if we provided P50 million in cash.
“When that obviously failed, they proposed, ‘join us and support us during these local elections and… maybe we can sit down and talk about the bridge.
“Nadine’s answer was firm: ‘We don’t make deals with corruption… ever.’ It is now clearer how public money can be turned into a weapon during elections.”
Dahil daw sa pagtanggi nila, naramdaman nilang biktima na sila ng harrasment kaya’t nag-file na siya ng anti-red tape complaint.
Nag-file na rin daw sila ng iba pang corruption-related cases sa Supreme Court at Office of the Ombudsman in Davao.
Nanawagan din siya kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Hizon na isama ang Siargao sa priorities sa pag-iimbestiga sa diumano’y malalang korapsyon sa DPWH.
Hindi ito ang unang pagkakataon ng jowa ni Nadine na nagsalita laban sa katiwalian.
Noong Setyembre, ipinahayag nila ni Nadine ang kanilang galit sa pagtatayo ng isang luxury villa sa Siargao, na naging sanhi ng diumano’y pagkasira ng reefs sa isla.
Ahhh. May mangyari kaya sa mga reklamo nila?
O pakinggan kaya sila ni DPWH Sec. Hizon?
