September 13, 2025 | 12:00am
Wow dahil sa sobrang lakas ng sun serum na negosyo ni Heart Evangelista, may namemeke na raw.
Kaya naman may pa-hashtag si Heart ng #ShopAuthenticLuxelle.
Yup back to business si Heart kahapon sa kanyang social media career.
Busy na ulit siya sa kanyang Luxelle Sun Serum.
Napatunayan naman ni Heart na siya ‘yan, na may business at may social media earnings plus of course fashion earnings niya.
Pero ‘yun nga ayaw siyang tantanan ng intriga,
Ang latest na iniintriga sa kanya ay ang comment ng make-up artist niyang si Memay Francisco na kaswal na sinabi na aktres-fashion icon ay “ang pangalawang pinakamalaking buyer ng Saint Laurent make up mundo.”
Na baka naman chika lang.
Ikinagulat ito ng mga netizen. Ang ilan ay namangha sa at inihambing siya sa mga Crazy Rich Asian.
Pero as usual kinarir ng iba ang pangnenega.
Nauna na siyang ipinagtanggol ni Ramon Tulfo bilang isang personal friend ng kanyang pamilya.
“Heart Evangelista is a billionaire in her own right as she comes from the wealthy Ongpauco clan that owns the Barrio Fiesta chain of restaurants.
“Before she got married to Chiz Escudero, Heart was earning oodles and oodles of money as a movie actress and influencer,” komento pa ng beteranong media personality. (SVA)