Shaira, tinodo ang pagiging K-pop faney


Nilubus-lubos na ni Shaira Diaz ang pagiging K-pop fan dahil hindi lang ang wedding gown sa kasal nila ni EA Guzman ang gawa sa South Korea. Sa South Korea na rin nag-photoshoot ng pre-wedding shoot ang engaged couple.

Ang ganda ng photos nina Shaira at EA na kuha sa Nami Island, South Korea at caption ng Nice Print Photo, “The long wait is soon over. A most romantic pre wedding shoot in Nami Island South Korea.”

Ayon naman kay Shaira, “The calm before “I do” #SHAIrangEAyo” at “Straight out of a K-drama.”

Tuwang-tuwa ang netizens sa hashtag nina Shaira at EA, panalo raw sila sa hashtag pa lang at lalong panalo sila dahil sa photo shoot. Ang location ay ginagamit sa mga Korean drama at isa sa mga rason kung bakit napili ng engaged couple.

Ang inaabangan na lang ay wedding gown ni Shaira at ang wedding nila ni EA na sigurado raw may touch ng South Korean. Hindi rin daw magugulat ang netizens kung pati ang menu sa wedding reception, mala-Korean food din.

Nagpakilig sina EA at Shaira sa palitan ng comment. Sabi ni EA, “I love you so much” na sinagot ni Shaira ng “I love you more.”

Kc, mas abala sa pag-aalahas

Sa interview ni Rico Hizon kay Sharon Cuneta sa Beyond The Exchange, natanong at kinumusta ni Rico kay Sharon ang anak na si KC Concepcion.

Sagot ni Mega, okay ang panganay niya at focused sa kanyang jewelry business na Avec Moi jewelry.

Matatandaang niregaluhan ni KC ang mom niya ng gawa niya ng jewelry na ikinatuwa nang husto ni Sharon. Isinuot nito ang necklace at ipinagmalaking gawa ‘yun ni KC.

Speaking of KC, ikinatuwa ng supporters nito ang latest photo na slimmer siya at sana raw, ipagpatuloy nito ang pagwu-workout para ma-achieve ang goal niyang weight. Kaya raw niya, ‘wag lang siyang tumigil.