Alden, namamahinga sa London
Trending na trending kahapon si Kathryn Bernardo.
Ito ay dahil sa isang video na kuha sa airport daw na ‘di malinaw kung sa NAIA o airport sa Australia.
Wala sa video ang nali-link sa kanyang si Mayor Mark Alcala pero may kuha itong naka-mask na may hilang hand carry bag at naka-all black kaya parang ang insinuation ay magkasama sila.
Tho si Kathryn ay parang kakababa ng eroplano ang hitsura pero ang lugar ay parang nasa check-in counter pa lang.
At ‘yun na raw ‘yun, sila na raw talaga.
Yup, masyado ngang invested ang netizens sa lovelife ni Kathryn na kung tutuusin naman ay normal na bagay lang sa edad niyang almost 30.
Halos isang taon na nang mag-umpisang kumalat ang isyung may something sa kanila ng batang pulitiko na mayor sa isang bayan sa Quezon na ex naman ng Pinoy Big Brother alumna na si Ashley Ortega.
Samantala, kung pulos kuha lang ng netizens ang video ni Kathryn, todo naman ang pictorial ni Alden Richards sa London.
Sa Instagram, ibinahagi ng Kapuso actor ang mga snapshot mula sa kanyang bakasyon sa London kasama ang pamilya.
‘Yun daw ang kailangan niya, pahinga.
Anyway, ang lakas ng bulungan na may ‘war’ diumano sina Kathryn and Alden na wala namang nagkukumpirma kung bakit nagkaroon sila ng falling out matapos ang kanilang all time highest box office film, Hello, Love, Again.