Kinilabutan kaagad ang mga nakapanood ng viral video (trailer) ng pelikulang Untold starring Jodi Sta. Maria.
In fairness nga naman, parang hitik sa katatakutan ang pelikulang ito ng Regal Entertainment na as of this writing almost 1.5 million views na.
Mapapanood ito sa mga sinehan sa April 30.
Samantala, nauna nang nilinaw ni Jodi na hindi siya tuluyang aalis sa show business, dahil mayroon pa siyang ilang ongoing projects at commitments na dapat tuparin na malamang ay kabilang ang pagpo-promote nitong Untold.
Gayunpaman, ang kanyang kasalukuyang pinagtutuunan ng pansin ay ang paggawa ng YouTube channel na isang passion project kung saan plano niya munang ilaan ang higit pa sa kanyang oras.
Sinabi pa ng mahusay na aktres na ang JSM channel ay isang entertainment platform na nagha-highlight sa kanyang mga hilig imbes na isang personal document.
