September 24, 2025 | 12:00am
Nabanggit na pala ni Heart Evangelista na nakikipag-usap na siya sa kanyang abogado para formal na mag-file ng cyber libel.
Hindi lang diumano mga basher ang kakasuhan ni Heart, kabilang daw ang ilang organization na nag-e-effort na sirain ang pangalan nito sa kanyang mga endorsement.
Nabanggit din niya sa kanyang Instagram live na nagbalak siyang sumama sa Trillion Peso March, pero may pagbabanta raw siyang natanggap na huhubaran siya kapag naki-rally.
Maagap naman ang kanyang followers na poprotektahan nila si Heart at aprub sa kanila na magdemanda ito.
Hindi na rin daw rarampa si Heart sa Paris and Milan Fashion Week dahil sa mga nagaganap sa ating bansa.
Idiniin niya rin na bayad siya ng mga inirarampa niyang brand.
Pilit na idinadawit ang mga kita ni Heart sa mister niyang si Sen. Chiz Escudero.
