November 13, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Sumalpak ng clutch triple si Jake Figueroa upang akayin ang National University sa panalo kontra Far Eastern University, 70-64 at lumapit sa asam na twice-to-beat sa final four ng UAAP Season 88 men’s basketball tournament na nilaro sa MOA Arena sa Pasay City kahapon.
Nirehistro ni Figueroa ang 17 points, anim na rebounds, limang assists at tig-isang steal at block para sa Bulldogs na sinakmal ang four-game winning streak at manatiling malakas ang kapit sa tuktok ng team standings karga ang 10-2 card.
Kumana rin ng key baskets sina Reinard Jumamoy at Paul Francisco pero pinaka krusyal ay ang tres ni Figueroa may isang minuto at 13 segundo na lang sa fourth quarter para itaguyod ang Bulldogs.
Masisiguro ng NU ang bonus kapag tinalo nila ang University of the East sa Sabado sa SMART Araneta Coliseum sa Quezon City.
Nalasap ng Tams ang pang-pitong talo sa 11 laro, kailangan nilang manalo sa susunod na laban upang manatiling may tsansa sa asam na makasampa sa final four.