Pacquiao gustong mag-iwan ng legacy sa boxing


MANILA, Philippines — Marami nang naga­wang kasaysayan si Manny Pacquiao sa mundo ng boksing.

Siya ang nag-iisang eight-division world champion sa mundo na wala pang nakakabasag hanggang sa mga panahong ito.

Ngunit hindi pa tapos si Pacquiao sa pag-ukit ng kasaysayan sa boxing.

Nais nitong muling gu­ma­wa ng panibagong kara­ngalan para sa Pilipinas bi­lang pinakamatandang world champion sa edad na 46-anyos.

At target ito ni Pacquiao na maisakatuparan sa oras na makaharap nito si reig­ning World Boxing Council (WBC) welterweight champion Mario Barrios sa kanilang bakbakan sa Hulyo 19 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Kaya naman inaasa­hang ibubuhos ni Pacquiao ang lahat upang maabot ang inaasam na tagumpay.

“He’s a (Barriors) champion in 147 in my division so I’m going to challenge him. I’m excited because he’s the champion and I’m excited to become a champion again,” ani Pacquiao.

Si Pacquiao ang may hawak ng rekord bilang oldest world champion.

Naitala ito ng Pinoy champion nang talunin nito si Keith Thurman via split decision para makuha ang WBA crown sa edad na 40-anyos.