August 14, 2025 | 12:00am
Saglit naming nakatsikahan si Paolo Contis noong 40th Day dinner for his dearly departed manager na si Manay Lolit Solis na ginanap sa Valencia events place ni Mother Lily Monteverde last Monday.
Isa sa inusisa namin sa kanya ay tungkol sa post niya sa Facebook earlier that day, kung saan nagbahagi siya ng mga larawan niya na kuha sa lalawigan ng Aurora. Ilan doon ay may kasama siyang tribesmen na base sa hashtag niya ay mga Ilongot ang tawag. Tila tinuruan pa siyang magpana ng mga ito.
“Maraming Salamat sa Lalawigan ng Aurora. Salamat sa aking mga nakasama, nakausap, at nakasalamuha ng ilang araw. Nakaka-proud maging Pilipino… kahit Italyano din ako!” say niya sa caption ng kanyang post.
“Darating ang araw na makikila niyo ang aking mga bagong kaibigan. Maraming Salamat Joshua De Guzman at Metz Espinosa for this experience!”
At base sa mga ginamit niyang hashtags na #TheTalesofTheIlongotTribe #NgazoDocumentary, tinanong namin si Paolo kung pinasok na rin ba niya ang pagdo-docu hosting.
It turned out, hindi lang siya host kundi co-producer (along with Joshua de Guzman) pa ng binubuo nilang docu about the Ilongot Tribe na headhunters pala noong unang panahon.
Naengganyo raw sumali si Paolo sa project base sa kuwento ng director nilang si Metz Espinosa na may dugong Ilongot din. Wish kasi ni Metz na maipakilala rin sa mga tao ang pinagmulan ng kanilang angkan dahil wala pa raw any mainstream literature about the Ilongots.
Mukhang nabighani si Paolo sa mga kuwento at feel na feel niya ang pagdo-docu hosting, ha. May ipinasilip pa siya sa aming video na naka-full Ilongot head hunter gear siya—meaning, hubad at naka-bahag (with briefs) underneath na napapalamutian ng mga simbolo ng tribo. Tapos ay sumali siya sa isang dance ritual nila.
Biro nga namin kay Pao, baka kaya siya nakisali roon ay para lang mai-showcase ang kanyang impressive abs at well-endowed “down under” parts. Haha!
But seriously, proud si Paolo sa nabuo nilang docu na hindi pa nila alam kung saan ipapalabas. Maaari raw nila itong ialok sa streaming platforms or maging sa GMA na may first dibs umano sa mga ginagawa niyang proyekto sa labas.
Na-enjoy raw niya ang experience sa Aurora at baka bumalik pa to take more footage as needed. But so far, buo na ito more or less at nasa editing stage na.
Aba, pa-docu era na, ha. Congrats, Pao!
