Partner ni Andi, pinupuno ang katawan ng tattoo


Nitz Miralles — Pilipino Star Ngayon

February 22, 2025 | 12:00am

Para siguro walang isyu, sabay na nagpa-tattoo sina Andi Eigenmann at partner niyang si Philmar Alipayo sa tattoo shop kung saan nagpa-couple tattoo rin sina Philmar at BFF niyang si Pernilla Sjoo.

Comment ng netizens, tila hindi titigil si Philmar na hindi mapuno ng tattoo ang kanyang katawan dahil a few days earlier, nagpa-tattoo ito sa kanyang braso rin. Ang ipina-tattoo naman ay ang mukha ng kanilang fur babies.

Nakita namin ang larawan ni Philmar na nakatayo at may mga tattoo rin ang mga binti nito, pero marami pang espasyo for more tattoo.

Kasama pala nina Andi at Philmar sa kanilang pagpapa-tattoo ag mga anak na sina Lilo at Koa na inakala noong una na pinalagyan din ng tattoo ng kanilang mga magulang.

Vehnee, 1,000 songs na ang nasulat

Isa si Vehnee Saturno sa mga bagong Jukebosses ng Sing Galing ng TV5 at nagpasalamat ito na mapabilang sa mga pipili ng winner sa nasabing singing competition.

Halos lahat ng kasama sa show, mula sa mga host hanggang sa kapwa jukebossess ay nakatrabaho na niya at ang iba ay ginawan pa niya ng kanta. Kaya wala siyang magiging problema sa pakikipagtrabaho sa kanila.

Isa pa sa ikinatuwa ni Vehnee na kasama siya sa Sing Galing ay dahil marami siyang madi-discover na new talents at ang hanap niya ay may distinct sounds.

“Ang hinahanap ko ay ‘yung puwedeng mapasikat. Naniniwala ako na thru a hit song, matutulungan natin ang mga baguhan na madidiskubre natin sa show. Lagi akong grateful na nakaka-discover tayo ng new talent,” sabi pa ni Vehnee.

Meron siyang more or less 1,000 songs at siya ang may pinakamaraming compositions na na-release. Nakakataba raw ng puso na hindi siya nakakalimutang pasalamatan ng mga singer na mas sumikat dahil sa sinulat niyang kanya. Nabanggit nito si Martin Nievera na hanggang ngayon, nagpapasalamat dahil sa kantang Be My Lady.

Anyway, sa March 1, 2025, 5:45 p.m., sa TV5 na magsisimula ang Sing Galing at magsisimula ang paghahanap ng jukebosses ng baguhan na magaling kumanta, may angas, at total performer na kanilang pasisikatin katulong nila rito ang TV5 at ang MediaQuest Ventures.

Gagawin ni Julie Anne, may murder

Malaking production ang SLAY, ang murder mystery series na unang Viu Original ng GMA. Groundbreaking series daw ito at first time na magkakaroon ng magkaibang point of views ang kuwento sa television at sa Viu na isang streaming platform.

Ipinakilala ang cast sa story conference ng series at mga bida nito sina Julie Anne San Jose, Mikee Quintos, Ysabel Ortega, at Gabbi Garcia. Si Derrick Monasterio ang leading man, hindi pa lang alam kung sino sa apat ang makakapareha niya.