Hindi mo mapipigilang umiyak sa pelikulang Picnic ng Nathan Studios.
Unang ipinalabas ang Picnic sa South Korea at dinirek ito ni Kim Yong-gyun.
Ni-reimagine ng Nathan Studios ang pelikulang ito bilang isang Filipino-language movie na kanilang Mother’s Day offering ngayong 2025.
Sa pamumuno ni Ria Atayde na President at CEO ng film company, binigyan nila ng distinct Pinoy flavor ang Picnic kung saan pinagsama-sama nila ang isang intergenerational cast.
Gagampanan ng award-winning actress na si Ces Quesada ang papel ni Eun-sim na puno ng quiet strength at vulnerability.
Isinalarawan naman ng early reviews ang voice acting ng Pinoy Big Brother: Gen 11 winner na si Fyang Smith — na ginampanan ang younger version ni Eun-sim — bilang isang scene-stealer.
Tampok din ang industry legend na si Nova Villa, na gagampanan ang papel ni Geum-soon, ang childhood best friend ni Eun-sim.
Kaya naman thankful sina Nova, Ces at Fyang na nagkaroon sila ng chance na maging boses sa pagpapalabas nito sa bansa.
Aminado silang hindi madali ang dubbing / voice acting dahil kailangan mong mag-adjust sa dialogue lalo na at Korean ito.
At nakaka-relate sila particular na sina Ces at Nova.
Si Ces ay inaming nahirapang manganak habang si Nova ay ampon kaya’t hindi naramdaman ang tunay na pagmamahal ng isang ina.
Ang mga orihinal na aktor na tampok sa Picnic ay ang South Korean superstars na sina Na Moon-hee (Eun-sim), Kim Young-ok (Geum-soon), at Park Geun-hyung (Tae-ho).
Kinunan ito sa Pyeongsan-ri, Namhae-gun na isang tahimik na village sa South Gyeongsang Province, kung saan maraming lush visuals at serene rural landscapes na lalong nagpaganda sa pelikula.
Sa budget nitong 1.2 billion KRW ($911,000.00), USD$2.2M ang kinita ng original South Korean version nito.
Dalawang linggo rin daw itong nasa top spot din ng independent at art-house box office charts ng South Korea at umani ito ng critical acclaim para sa sensitibong atake nito sa mga seryosong paksa.
Nominated din si Park Geun-hyung sa Best Supporting Actor category ng Baeksang Arts Awards — patunay sa husay ng pelikula.
Mapapanood ang Picnic sa halos 100 theater sa buong Pilipinas umpisa ngayong Miyerkules.
