October 9, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Viral kahapon ang Tiktok video ni Pinky Amador matapos itong mapadaan sa Ka Tunying’s kioks sa airport.
Makikita ngang lumalakad si Pinky kung saan naka-display ang iba’t ibang goodies ng Ka Tunying’s.
Pero bigla siyang nag-dialogue ng “Bibili sana ako ng fake news.”
Nag-focus ang camera sa signage ng tindahan ng pagkain ni Ka Tunying bago muling tumutok kay Pinky at ngumiti at nag-V hand sign.
“Ingat po tayong lahat sa mga papapakin natin. Maging mapanuri sa mga balita, iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon,” dagdag niya sa caption.
Hindi naman siguro basta-basta maapektuhan ang nasabing negosyo ni Ka Tunying at misis niyang si Rosell Taberna na matagal-tagal din nilang pinalaki.
Masasarap ang mga panlasang makabayan dishes nila since 2015 na affordable ang presyo.
Maalalang nag-trending si Ka Tunying matapos ang pahayag sa kanyang radio program tungkol sa bicam insertions diumano ni Sen. Risa Hontiveros sa 2025 national budget.
Nilinaw kaagad naman ni Sen. Hontiveros na walang katotohanan ang mga kumakalat na balita.
