Pinoy fans hindi pa limot ang kasungitan ni Park Seo Joon


Nag-iwan pala ng panget na alaala sa ilang Pinoy fans ang Korean actor na si Park Seo Joon. Nasungitan daw sila.

Kasi parang low energy daw ito nung nagkaroon ng media conference para sa ini-endorse niyang tuna.

Parang lazy mode rin daw at non-chalant pa ang Korean actor.

At nang abutan daw ito ni Anne Curtis ng jacket para isuot na nakalagay ang brand nilang ini-endorse, hinawakan lang daw nito ang jacket, hindi isinuot kahit for pictorial purposes man lang.

Anyway, kuwento pa ng source na hindi rin napuno ang fan meeting nito sa MOA Arena. Yup, andami raw butas.

At nang magde-demo na raw sila ni Anne nung ini-endorse nila, nakatingin lang daw ito tho nag-wrap naman siya ng gimbap. At nang tanungin daw ito ng chef kung “do you need help” nag-no raw ito at nagsabing “I can do it on my own.”

Anyway, butas-butas din ang issue sa nakalipas na fan meeting ni BINI sa MOA Arena pa rin.

Totoo ba na nagtawag pa sila ng ibang fans para hindi obvious na may butas ang venue?

Aminado raw ang ilang malalapit sa BINI na naapektuhan sila ng mga intriga.

Humingi ng paumanhin ang P-pop girl group para sa isang kontrobersyal na viral video na kinasasangkutan ng tatlo sa mga miyembro nito, kasama si Ethan David ng GAT.

Makikita nga sa isang leaked na video ang tatlong miyembro ng BINI na nagbibiruan kasama ang dalawang lalaking kaibigan, na mukhang ginagaya ang dry humping. Nag-react ang mga miyembro ng BINI at binanggit ang “13 years old” at “sinasabunutan.” Mabilis na umani ng backlash ang video, kung saan inaakusahan ng mga netizen ang grupo ng pagpapalaganap ng hindi naaangkop na pag-uugali. Agad namang naglabas ng apology ang tatlo at napatawad naman sila ng fans.

Baka lang talagang may gustong mang-intriga sa kanila kaya ganun.

Samantala, kasama ang BINI sa mga malalaking pangalan sa industriya ng musika, sina Gary Valenciano, Darren, Maki, at Mayonnaise sa pagdiwang ang walong dekada ng negosyo ng mga healthcare giants na Unilab at Mercury Drug.

Mangyayari ito sa Hulyo 31 sa ganap na 5 p.m., ang Alagang Suki Fest 2025, na magsisilbing pasasalamat para sa mga Pilipino sa lahat ng henerasyon.