August 20, 2025 | 12:00am
Kasama sana si Maris Racal na pipirma ng kontrata sa ABS-CBN Forever Kapamilya: Born To Shine contract signing event.
Sabay sana sila ni Belle Mariano.
Pero na-hospital pala si Maris dahil sa Appendicitis.
Sa kanyang post kahapon ay kalakip ang photos niya na nasa hospital bed at may mga tusok sa kamay.
Sabi niya sa caption.
“congrats, it’s an appendix!
“thanks to everyone who sent their love, my cool surgeon and doctors, nurses, and hospital staff for taking vv good care of of me.
“special shoutout to my little sister for looking after me on her birthday
“still on the road to recovery
“rarampa muli,” kabuuan ng post niya.
Kamakailan lang ay pinatunayan ni Maris ang power niya sa box office.
Inanunsyo ng Project 8 Projects na ang pelikulang Sunshine na pinagbibidahan ni Maris ay nasa ikaapat na linggo na ng pagpapalabas sa mga sinehan sa buong bansa.
Pero wala pa silang nire-release kung magkano ang kinita nito.
Ang Sunshine ay ipinalabas din sa Singapore, Australia at New Zealand na ang musical scoring ay gawa ng ex-boyfriend ng aktres na si Rico Blanco.
Anyway, delikado rin daw ang sakit sa appendix kung hindi naaagapan.
