Ruffa at Yilmaz, bumalik na ang dating relasyon


SHOWBIZ NEWS NOW NA! — Boy Abunda — Pilipino Star Ngayon

August 19, 2025 | 12:00am

Nanumbalik ang pagiging magkaibigan nina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas para sa kanilang dalawang anak na sina Lorin at Venice. Halos dalawang dekada na ang nakalilipas nang huling nagkita ang dating mag-asawa. “Actually, matagal ko na siyang pinatawad sa mga nangyari. For me, tatay pa rin naman nila si Yilmaz so I believe that they should have a good relationship with their dad. Kasi nag-reach out naman siya. Now we’re in a good place. Hindi po kami nagkabalikan. Alam ko maraming Ruffa-Yilmaz fans diyan. Hindi kami nagkabalikan as lovers pero nagkabalikan ‘yung magandang samahan namin, nagkukuwentuhan kami minsan. I can say we’re friends that don’t see each other because I haven’t seen him since 2027 or 2008. So, I’ll say instead of friends, we’re text mates, phone pals. We don’t hang out. We don’t see each other in person, that hasn’t happened yet. Time will tell kung mangyayari ‘yon,” pagbabahagi ni Ruffa sa YouTube channel ni Anna Magwakas.

Matatandaang nakapagbakasyon sa Turkey sina Lorin at Venice upang makasama ang ama noong Hunyo. Ayon kay Ruffa ay nakatakda na rin umano ang susunod na pagkikita ng kanyang mag-aama. “Yilmaz is inviting the kids again para sa Europe naman. And this time sabi niya longer sana pero depende pa rin sa school schedule,” kwento ng aktres.

Ngayon ay kasalukuyang nasa Amerika ang mga anak nina Ruffa at Yilmaz dahil doon nag-aaral ng kolehiyo. Kahit malayo sa kanyang piling ay alam naman daw ng aktres na talagang responsible na ang magkapatid. “For me they are already of the age to know what’s right and what’s wrong. So minsan sila na ang nagtatawagan, they don’t have to go through me anymore,” pagtatapos niya.

Den-Jen, ayaw tumigil sa kulitan

Masayang-masaya sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo dahil sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kanilang seryeng Sanggang-Dikit FR. Ayon sa mag-asawa ay lalo pa nilang pinaghuhusayan ang bawat eksenang ginagawa para sa naturang action-drama series ng Kapuso network. “Mas lalo kaming ginaganahan talaga ‘pag nalalaman namin na maganda ‘yung pagtangkilik ng mga Kapuso namin. Mas lalo kaming ginaganahang mag-taping,” nakangiting pahayag ni Dennis sa 24 Oras.

“Oo, kahit na mainit, mahirap, maraming action scenes, okay lang. Sulit lahat ‘yung pagod’” dagdag naman ni Jennylyn.

Bukod sa pagiging abala sa trabaho ay madalas ding nakikita ang kulitan ng mag-asawa sa kanilang TikTok videos. Palaging kinagigiliwan ng netizens ang nakatutuwang videos nina Dennis at Jennylyn. “Nagsisingit na talaga kami ng time para gumawa ng nakakatuwang mga content para sa followers namin. Para rin naman sumaya ang araw nila,” paglalahad ng aktres.

“Saka nakakatulong ‘yon sa pagpapaalala na mayroon kaming palabas na ganito. Kasama namin ‘yung masasayang cast habang ginagawa naming ‘yon,” pagtatapos naman ng aktor. (Reports from JCC)