Sanya, pasok sa kapamilya movie nina Jodi, Jane at Loisa


Sabay-sabay na pinost nina Jodi Sta. Maria, Jane Oineza, Loisa Andalio, at Sanya Lopez ang photo nila na magkakasama at ang announcement na magkakasama sila sa pelikulang wala pang title.

Pero, ang caption ni director Irene Villamor na magdidirehe ng pelikula ay “Blossoms.”

Sa Japan ang shooting ng pelikula at na-interview si Sanya sa airport habang palipad at ang feeling ng fans, ang shooting sa Japan ang rason kaya wala sa premiere night ng Samahan ng mga Makasalanan ang Kapuso aktres.

Natutuwa ang fans sa cast ng pelikula na pinagsama ang Kapamilya at Kapuso aktres. Bukod sa magaganda, mahuhusay raw ang apat plus mahusay ang director.

Hindi pa ina-announce ang complete cast at kung may mga love interest ang apat. Ang request ng fans ni Sanya, Kapamilya aktor ang ipareha sa kanya para ma-experience raw niya na makatrabaho ang hindi Kapuso na tama naman.

Anyway, bago ang movie nila nina Jodi, mapapanood muna si Sanya sa Samahan ng mga Makasalanan, showing na ang GMA Pictures movie sa April 19, 2005. Si Benedict Mique ang director ng satirical comedy movie.

Nanay ni David, atat makilala si Barbie!

Naunahan pa ng kanyang mga anak ang mom ni David Licauco na si Eden Licauco na nagpahayag na gusto niyang makilala si Barbie Forteza nang ma-interview sa Unang Hirit. Tila si David na lang ang hinihintay ng kanyang mom para pagtagpuin sila ng ka-love team ng anak.

Kaya lang, nauna na  ang siblings ni David na sina Elan at James na makilala si Barbie dahil nagkita-kita sila sa premiere night ng Samahan ng mga Makasalanan. Para ngang matagal na silang magkakilala kung mag-usap dahil komportable agad at nagkuwentuhan.

Ni-repost ng mom ni David ang photo nina Barbie at kanyang mga anak sa Instagram na ikinatuwa ng fans. Ang ibig daw sabihin nito, tanggap ni Mommy Eden ang friendship ng mga anak kay Barbie.

Ang inaabangan na lang ng fans ay kung kailan magkikita sina Barbie at Mommy Eden. Malabo silang magkita this Holy Week dahil magbe-beach sina David and his family at si Barbie naman ay magsu-shoot o magte-taping.

Dennis, niresbakan

Hindi pa matatapos ang isyu ni Dennis Padilla sa kasal ng anak na si Claudia Barretto kay Basti Lorenzo, lalo at rumesbak na kay Dennis si Marjorie Barretto.

Bago pa magsalita si Marjorie, may mga bisita sa wedding na nag-share ng photos ni Dennis after the wedding ceremony with his children.

Sa isang picture, kasama ni Dennis ang ikinasal at sina Julia at Leon Barretto at nakaakbay pa sa kanya si Leon. Sa isa pang picture, kasama naman ng couple sila Dennis, ang brother niyang si Gene at ang mom nila.

Comment pa ng isang bisita, kung guest ang treatment kay Dennis sa kasal ng anak, bakit kasali siya sa pictures sa family of the bride?

Naalala namin, sa post ng brother ni Dennis, tinapos lang nila ang picture taking at umalis na sila sa church. Ano ba kasi ang totoong nangyari?