Senior actress, pinagbawalang gamitin ang mannerism ng direktor


Walang palag ang isang senior actress sa director ng series na kinabibilangan at napapanood ngayon nang baguhin ng huli ang lumang style ng mannerism at acting nito.

Gusto ipagpilitan ni senior actress na nagmarka na ang style of acting niya na may mannerism sa publiko kaya feel niya eh hahanapin ‘yun ng manonood.

Eh sinabihan siya ng director na iba na ang panahon ngayon kumpara noon na mabenta siya. So kailangan din niya itong baguhin para maging normal ang acting niya, huh!

Hindi naman kasi bida sa series si senior actress kaya hindi niya naipilit ang gusto niya sa director kung ayaw niyang mawala siya agad sa series!

Kyline at Kobe, tapos na ang kadramahan?!

Nagtataka ang followers sa Instagram nina Kyline Alcantara at Kobe Paras.

Wala na kasi sa posts nila ang litrato nilang magkasama sa biyahe at outreach program nung panahon na ang ingay ng kanilang sweet moments, huh!

Lumilinaw tuloy ang balitang hiwalay na sina Kyline at Kobe matapos ang… ilang buwan nga ba,  my Ed, SA?

What happened? Anyare? Tapos na ang drama nilang ‘what you see is what you get,’ huh!