Shrek The Musical , 100 percent pinoy ang production!


Pilipino Star Ngayon

September 30, 2025 | 12:00am

Mga bigatin at mahuhusay na local creative team ang may hawak sa inaabangang Shrek The Musical sa Newport World Resorts.

Minahal ng lahat ang palabas na ito sa Broadway, na ngayon ay pinaghahandaan ng all-Filipino creative team ang pagpapalabas sa bansa na binubuo rin ng all Filipino cast na ang ibig sabihin ay localized ang kabuuan sa isang global musical hit.

Kabilang sa bumubuo nito si Dexter Santos bilang Director at Musical Stagin). Ilan sa kanyang mga hinawakang production ang Ang Huling El Bimbo The Musical, Delia D.: A Musical Featuring the Songs of Jonathan Manalo, at Buruguduystunstugudunstuy: Ang Parokya ni Edgar Musical.

Kasama ‘yun sa 150 stage productions na ang kanyang hinawakan.

Si Michael Williams naman ang tatayong Associate Director. Siya ang co-artistic director of Full House Theater Company.

Nag-umpisa ang kanyang career noong 1983 na mula Repertory Philippines ay umabot hanggang West End—where he was part of the original Miss Saigon.

Si Ms. Menchu Lauchengco-Yulo naman ang Artistic Director na kilala bilang First Lady of Philippine Musical Theater.

Si Menchu ??ay nabuhay at huminga sa mga musical play mula noong huling bahagi ng 1970s at gumanap ng ilan sa mga pinaka-iconic na papel sa kasaysayan ng entablado—Eva Peron sa Evita, Fantine sa Les Misérables, ang Witch sa Into the Woods, at hindi mabilang na iba pa.

Ang multi-awarded composer and pianist naman na si Ejay Yatco ang Music Director ng Shrek The Musical.

Ang kanyang kakayahang makapagbigay ng bagong buhay sa mga materyal habang pinapanatili ang core nito at nagtatakda ng isang energetic na musical score kasama Manila Philharmonic Orchestra sa ilalim ng baton ni Mickey Jacinto. 

Si  Stephen Viñas ang magtutulay bilang choreographer sa physical storytelling ng  Broadway play with a movement language that is unmistakably Filipino. Isang Gawad Buhay awardee para sa Ang Huling El Bimbo, Viñas shapes every stomp, spin, and stillness into choreographic sequences.

Catch Shrek The Musical starting October 31, 2025 at the Newport Performing Arts Theater. Additional November shows are now open. Tickets are available at Ticketworld, Newport World Resorts Box Office, and Helixpay: PHP 4,500 (SVIP), PHP 4,000 (VIP), PHP 3,000 (GOLD), PHP 2,000 (SILVER), and PHP 1,500 (BRONZE). For inquiries, contact Customer Care at 7908-8888 or [email protected].