Sue, pinagdiinang suwerte kay Dominic


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

August 18, 2025 | 12:00am

“Haaay ang swerte ko hehehe,” umpisa ng caption ni Sue Ramirez kasama ang karelasyong si Dominic Roque.

Kasabay ng “Happy Sunday, everyone!”

Sinagot naman ito ng content creator ng “Swerte ko naman.”

Kaya ang hula talaga, sila na ang endgame.

Si Cong. Javi Benitez ang ex ni Sue habang si Bea Alonzo ang nakaraan ni Dominic.

Kaya naman natutuwa ang followers nila na suwerte sila sa isa’t isa.

Hindi man daw kasing yaman ni Javi si Dominic, at hindi kasing bankable ni Sue si Bea, may box office hit movie naman si Sue na ­Lasting Moments na hanggang ngayon ay palabas pa rin sa mga sinehan.