Paboritong puntahan ng maraming Pinoy ang Hong Kong. Pero bukod sa shopping at maningning na siyudad, ano nga ba ang umaakit sa ating mga kababayan pabalik sa makulay na lungsod na ito?
Para sa espesyal na anibersaryo nito ngayong Linggo (Hunyo 29), aalamin ng I Juander ang mga dahilan kung bakit binabalik-balikan ng mga Pilipino ang paboritong bakasyunan na ito.
Mula sa mga nakamamanghang natural wonders hanggang sa mga hindi malilimutang food trip at pagbabalik-tanaw sa nakaraan, samahan ang mga host ng I Juander na sina Susan Enriquez at Empoy Marquez sa kanilang adventure sa Hong Kong.
“Back Garden of Hong Kong” kung tawagin ang Sai Kung District dahil sa mala-paraiso nitong mga isla at dalampasigan.
Pero ang isa raw talaga sa dinarayo rito, ang mga nakamamanghang rock formation sa mga isla!
At ano pa nga ba ang masarap kainin pagkatapos mag-island hopping kung hindi…seafood! Sa Chuen Kee Seafood Restaurant, mala-dampa style raw ang atake kung saan puwedeng magpaluto ng iba’t ibang klase ng isda, clams, abalone, lobster, o kaya alupihang dagat!
Kainan na may kasamang sayawan — achieved iyan sa tinaguriang “wildest restaurant” sa Wan Chai, ang Tung Po Kitchen!
Sa bawat biyahe, bawal umuwi nang walang selfie! Kaya ang Tsinoy photographer at architect na si Ace, inililibot ang mga turista sa iba’t ibang IG-worthy spots para sa kanilang inaasam na turista pose!
Tila naka-time travel kapag sakay ng Aqua Luna na ang disenyo, hango sa tradisyunal na Chinese red sail junk boat na gamit sa pangingisda at pangangalakal noong unang panahon. Hindi rin magpapahuli sa throwback ang mahigit 100-year-old na dimsum parlor na Lin Heung Lau Restaurant.
Mismong ang pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, namalagi rin ng isang taon sa Hong Kong! Kaya bilang pag-alala, taun-taong nag-aalay ng bulaklak sa Rednaxela Terrace ang mga Pinoy sa Hong Kong gaya ng photojournalist na si Enrique Rueda Sadiosa.
Pero isa ring kilalang nasa Hong Kong na ay si Direk Eric Quizon.
Doon na siya actually naka-base pero madalas pa rin siyang nasa Pilipinas dahil sa rami ng directorial job.
