True ba? Erich nakisimpatya raw noon kay Bea kaya nasira ang friendship kay Julia?!


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

August 11, 2025 | 12:00am

Hindi na pala naibalik sa dati ang friendship ni Erich Gonzales sa buong pamilya ni Julia Barretto.

Last year nang mapansin ng ibang netizens na wala na sa Friend List ni Julia si Erich na sister-in-law ngayon ng kapatid ni Julia na si Claudia. Magkapatid ang mister nina Erich and Claudia na galing sa old rich family na mga Lorenzo.

Si Erich ay pinakasalan ni Mateo Rafael Lorenzo habang si Claudia ay mister ni Basti Lorenzo.

Besties sina Julia at Erich at mom pa nga ang tawag ng huli kay Marjorie noon.

As in isang pamilya ang kanilang turingan.

Nagawa na ni Erich na lumayo sa kanyang buhay showbiz pagkatapos niyang ikasal. Nag-private pa siya sa Instagram.

Habang si Julia ay active pa rin ang showbiz career.

Tulad din ng sinabi noon ni Erich kay Tito Boy ABunda, ramdam niya na welcome siya sa Barretto family that time kaya malapit siya sa mga ito.

Na totoo naman dahil natutulog pa siya sa bahay nila Marjorie, sa kwarto ni Julia, base sa kanilang mga post sa social media noon.

But anyway, past forward, more than a year na since napansin ng mga matatalim ang mata sa social media na hindi na pina-follow ni Julia si Erich.

At ang totoong kuwento diumano ayon sa source, nung nagkaroon pala ng ghosting issue between Julia and Bea Alonzo dahil kay Gerald Anderson, diumano’y nakisimpatya si Erich kay Bea kaya na-hurt diumano si Julia.

At doon daw nag-umpisa ang coldness nila hanggang naging friends no more na sila.

Matagal-tagal nang pahulaan kung paano nag-umpisa ang falling out ng mag-bestie.