September 14, 2025 | 12:00am
Naging matagumpay ang book-signing ng Star for All Seasons and Batangas Governor na si Vilma Santos-Recto for her top-selling Vilma Santos, Icon book na ginanap sa Hall 1 ng School Book Fair sa SMX Convention Center last Friday, Sept. 12, ng tanghali na personal na dinaluhan ng misis ni Finance Secretary Ralph Recto.
Ang Icon book ay isa sa tatlong libro ni Gov. Vi na nakatakdang ilabas within the year.
Ang dalawa pang upcoming book na ilalabas niya ay ang kanyang sariling Coffee Table Book and her own Filmography Book. Kaya naman sobra-sobra ang kanyang pasasalamat sa mga taong nasa likod ng mga libro about her, her movies and her achievements.
Nagpapasalamat din siya sa kanyang loyal fans na sinamahan siya at patuloy na sinasamahan sa kanyang journey since she started her career when she was a little girl nang kanyang pagbidahan ang pelikulang Trudis Liit nung 1963 at nakapagbigay sa kanya ng kanyang first acting award mula sa FAMAS bilang Best Child Actress.
Magmula noon, there was no stopping Vilma na isa ngayon sa kinu-consider as the next National Artist for Film and Broadcast Arts dahil sa kanyang hindi na halos mabilang na malaking kontribusyon sa industriya ng pelikulang Pilipino.
Hindi na lamang siya itinuturing na Star for All Seasons kundi bilang Star for All Generations dahil hanggang ngayon ay patuloy siyang tinitingala at gumagawa ng kasaysayan.
Hindi na lamang siya industry icon kundi maging sa larangan ng public service kung saan untainted ang kanyang paninilbihan sa kanyang constituents.
Samantala, sa kabila ng kanyang sinumpaang tungkulin bilang governor ng Batangas, hihirit umano ng isang makabuluhang pelikula in her three-year term bilang ina ng Batangas. “Hindi ko pa masasabi kung anong proyekto ito but this is definitely one project na maipagmamalaki,” pahayag ni Gov. Vi.
Boss Vic, na-master na rin ang resto business
Alam mo, Salve A., hindi talaga matatawaran ang pagiging business visionary ng Chairman-CEO ng Viva Group of Companies na si Boss Vic del Rosario, Jr. dahil bukod sa kanyang iba’t ibang platform ng entertainment business tulad ng films, recording, live concert productions, content provider, talent management, streaming app, various collabs at iba pa, pinasok din ng kanyang kumpanya ang food business sa pamamagitan ng Viva Foods which boasts of popular food businesses sa ibang bansa tulad ng Botejyu (from Japan), Paper Moon (from Japan), Pepi Cubano, Wing Zone, Yogorino, Greyhound Café among others.
Nariyan din ang Du Hsiao Yueh ng Taiwan na meron na ring worldwide branches tulad ng Pilipinas (na tangan ng Viva Foods), China, Macau, Hong Kong at Canada.
Ang Du Hsiao Yueh ay nagbukas ng kanilang unang sangay sa SM North EDSA nung Aug. 31, 2024 at nag-expand sa SM Mall of Asia, SM East Ortigas at Festival Mall na susundan ng Glorietta Makati at Estancia Mall in Pasig.
Kung ang Botejyu ay meron nang halos 100 branches sa Pilipinas, sumusunod dito ang iba pa nilang food resto and café brands na nagmula sa ibang bansa.
Ang Du Hsiao Yueh ay nagsi-celebrate ngayon ng kanilang first anniversary sa Pilipinas.
