Will, hindi ina ng anak ang pinakasalan


RATED A — Aster Amoyo — Pilipino Star Ngayon

September 9, 2025 | 12:00am

Kasal na ang German-American model-turned actor at ex-PBB housemate na si Will Devaughn (43), pero hindi sa ina ng kanyang five-year-old son na Magnus Orion, ang Filipina-Dutch host na si Cay Kujipers, kundi sa isang Joanne de la Rama  na isang certified life and grief coach. The couple got married recently in an intimate wedding ceremony sa isang resort hotel in Batangas.

?Will was formerly in a relationship with singer-actress Roxanne Barcelo na may sarili na ring pamilya at naka-base ngayon sa Hong Kong with her foreigner husband and a son.

?Naging bahagi si Will ng 2nd celebrity edition ng Pinoy Big Brother kung saan niya nakuha ang pang-apat na puwesto.

?Walang Filipino blood si Will at wala itong alam na Tagalog nang dumating siya sa Pilipinas nung 2004.  Ngayon ay fluent na siyang magsalita ng Tagalog and he considers the Philippines his home.

Donita at mister, mag-aampon

?Virgin pa ang second husband ng Fil-Am actress, dating MTV Asia VJ at executive chef na si Donita Rose, ang Gospel singer, recording artist, hosts at dating university professor na si Felson Palad who is 10 ten years Donita’s junior bago sila ikasal nung September 2022.  Ito’y bibihira nang mangyari sa panahon ngayon mapa-babae o lalake man.

?Sa aming exclusive na panayam sa mag-asawa for “TicTALK with Aster Amoyo,” inamin ng couple na kahit nung hindi pa sila magkakilala ay nagdasal umano sila nang hiwalay na sana’y makatagpo sila ng mamahalin at  makakasama nila habambuhay. Kasama sa dasal ni Donita na sana’y makatagpo siya ng isang birhen na lalake.

?Ayon sa mag-asawa, ang kanilang mga dasal ay pinakinggan Diyos hanggang sila’y pagtagpuin sa isang okasyon sa Amerika  na may kinalaman sa ministry kung saan sila parehong aktibo.

?Aminado si Felson na college crush umano­niya si Donita at wala siyang alam na sila’y pagtatagpuin ng Diyos sa ibang pagkakataon.

?“Nalungkot ako nang mag-asawa siya (Donita) sa kanyang first husband na si Eric Villarama,” kumpisal ni Felson.

?Although it was not love at first sight sa kanilang pagitan, aminado si Felson na sa unang araw pa lamang ng kanilang pagkikita ay kinuha na umano niya ang mobile number ng Fil-Am actress at kasunod na rito ang kanilang constant na tawagan at pagkikita until eventually ay naging sila.?

?Nagulat naman si Donita nang ipagtapat sa kanya ni Felson na virgin pa siya dahil ipinagdasal umano niya ito.

?“Lahat ng mga katangian na ipinagdasal at hiniling  ko sa Diyos  ay nakita ko kay Felson,” pag-amin naman ni Donita.

?“Doon ko na-realize that we’re really meant for each other,” patuloy niya.

?Dahil God-centered ang kanilang relasyon, naging smooth ang lahat.  Hiningi ni Felson sa kaisa-isang anak na binata ni Donita na si Joshua Paul Villarama (23) maging sa parents ng actress ang blessing nila bago siya nag-propose nung  May 2021 at kasunod na rito ang kanilang pagpapakasal in September of 2022 sa Amerika.

Sa Pilipinas ise-celebrate ng mag-asawang Donita at Felson ang kanilang 3rd wedding anniversary.  Ito bale ang first time ni Felson namagbabalik-Pilipinas after nine years, magmula nang siya’y mag-relocate sa Amerika.  Ito rin ang kanyang pagkakataon na ipakilala ang kanyang misis sa iba nilang mga kaanak.

Felson carries a good relationship with Joshua Paul, his step-son.

?Since mahihirapan nang mag-conceive si Donita at 50, plano ng mag-asa na mag-adopt.

?Nauwi man sa hiwalayan ang relasyon ni Donita sa kanyang unang husband na si Eric Villarama, nagpapasalamat pa rin siya sa Diyos na siya’y binigyan ng panibagong husband na inaasahan niyang makakasama niya habambuhay.

?“Ang maganda sa amin, we inspire each other in whatever we do,” anila.