Willie, hindi natulungan ang dating tc!


Naku Salve, alam mo bang tuwing nanonood ako ng TV at nakikita ko ang political ad ni Willie Revillame na nag i-start sa ‘oo wala akong alam,’ parang tumatayo ang balahibo ko.

At least aminado siya na wala siyang alam at hindi niya kayang matulungan ang bayan.

Hindi nga niya tinulungan si Jopay Manago na dati niyang staff sa kanyang mga programa na alagang-alaga siya at halos ipakipagpatayan siya noong talent coordinator niya ito.

Imagine mo na hindi niya natulungan para huwag pa sana mapunta sa Home for the Aged.

Parang walang compassion, hindi man lang nagpakita ng kahit konting kindness.

To think na halos hilahod itong nagtrabaho sa programa niya.

Sana man lang ipakita ni Willie Revillame ang mabuti niyang puso sa konting tulong na puwede niyang ibigay kay Jopay.

Kaya SORRY Willie, you will never get my vote dahil nakita ko na ang tunay mong ugali.

Paano mo pa tutulungan ang mga buong Pilipinas kung ang isang dati niyang kasama sa trabaho ay hindi niya natulungan?

Kakaloka talaga.

Ipagpapatuloy ko ang pagdarasal kay Jopay na lumalaban sa buhay habang nasa Home for the Aged.

Fighting.

At sana maging matalino tayong lahat sa pagboto ngayong election. Wala sa popularidad ang mamumuno sa ating bayan.

Nasa intensyon, sinseridad, at kaalaman.

Ihalal natin ang nararapat na maging lider ng ating bayan para sa kinabukasan nating lahat.