MANILA, Philippines — Ang ikaapat na sunod na panalo ang target ng NLEX, habang back-to-back wins naman ang hangad ng Barangay Ginebra sa kanilang salpukan sa Season 49 PBA Philippine Cup.
Magtutuos ang Road Warriors at Gin Kings ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang upakan ng Rain or Shine Elasto Painters at Blackwater Bossing sa alas-5 ng hapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.
Dala ng NLEX ang 3-1 kartada sa ilalim ng nangungunang Magnolia (5-0), samantalang may 2-1 baraha ang Ginebra.
Umiskor ang Road Warriors ng 80-72 panalo sa Bossing para sa kanilang ikatlong dikit na arangkada tampok ang 10 points ni Robert Bolick sa fourth quarter.
“When things aren’t going well then you know na aasahan mo na he will bail you out, which he did today,” sabi ni coach Jong Uichico kay Bolick.
Pinatumba naman ng Gin Kings ang NorthPort Batang Pier, 131-106, kung saan humataw si 6-foot-3 Jayson David ng 25 points kasama ang 4-of-4 shooting sa three-point line.
“We’ve been trying to find ways to get him into the lineup. It’s just a difficult thing with a talented team like Ginebra,” wika ni Cone kay David na nabi-gyan ng pagkakataon matapos ang pagtutok ni veteran guard LA Tenorio bilang coach ng Gilas Pilipinas Youth team.
Bukod kay David, muli ring aasahan ng Ginebra sina Scottie Thompson, Japeth Aguilar, RJ Abarrientos, Stephen Holt at Jamie Malonzo katapat sina Bo-lick, Kevin Alas, Anthony Semerad, Dominic Fajardo at Mike Miranda ng NLEX.
Sa unang laro, mag-uunahan sa pagbangon mula sa kabiguan ang Elasto Painters (2-2) at Bossing (1-3).
Nakalasap ang Rain or Shine ng 97-107 pagkatalo sa Converge at yumukod ang Blackwater sa NLEX sa kanilang mga huling laban.
