Xian, nakalimutan na dahil kay Paulo


Very inspiring naman ang balita na maganda ang kinita ng tandem nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

At least nawala na rin ‘yung Xian Lim duo at tanggap na nila ang team-up nina Kim at Pau.

Saka masaya rin na basta gusto ng tao kikita pa rin ang pelikula.

Takot na nga ang marami na sumugal sa paggawa ng pelikula dahil marami ang hindi na tumatangkilik ng pelikula. Pero at least ‘pag maganda ang isang project, sige pa rin pala, may pag-asa sa takilya.

Talagang hinintay rin ng marami ang resulta ng KimPau at baka meron na namang gumawa pa at maging masigla na naman ang resulta.

Alam nina Salve at Gorgy Rula na kahit ang mga tagumpay ng products ng Beautederm ni Rhea Tan ay nagiging barometro ng excitement sa showbiz.

Kasi nga dahil showbiz na showbiz ang atake ni Rhea Tan kaya dagdag excitement din sa showbiz. Kaya nga kilalang-kilala na rin si Rhea Tan dahil nga sikat na sikat din ang mga produkto ng kanyang kumpanya na mga celeb ang ambassador.

Bongga talaga.

Kathryn at pulitiko, mag-jowa na?!

‘Kaloka naman ang pag-intriga sa diumano’y bagong karelasyon daw ni Kathryn Bernardo ang isang local politician.

Kung anu-ano ang sinasabi ng mga netizen tungkol sa diumano’y bagong lovelife ng aktres at bina-bash pa nila ito.

Pati raw ang pag-follow at unfollow ni Mommy Min at pag-like sa post ng pulitiko ay napansin pa ng mga netizen.

Nagagalit pa raw ang fans dahil bakit iyon pa raw ang jinowa ni Kathryn, na may ex diumanong artista rin.

Bakit ba nila bini-big deal ang lovelife ni Kathryn?

Ano ba ang pake nila kung sino ang jowain nito? ‘Kaloka.

Naku tantanan natin ang lovelife niya at ang nasabing pulitiko na hindi ko talaga babanggitin ang pangalan dahil baka magamit pa ang column ko eh hindi ko naman siya kilala.

Charurut… hahahaha.