Yen, may kinalimutang sagutIn, anak kay manong Chavit nilinaw


Ba’t kaya hindi sinagot ni Yen Santos ang tungkol sa naging relasyon nila ng isang pulitiko?

Sinagot nga nito ang tungkol sa matagal nang pinag-uusapang diumano’y may anak sila ni former Governor Chavit Singson sa kanyang kauna-unang vlog.

“‘Yung tsismis na mayroon daw po kaming anak ni Manong Chavit. Guys… hindi naman ‘yun anak, kapatid ko po ‘yun. He’s my younger brother. Tatlo kaming magkakapatid,” sagot nito sa kanyang vlog na maraming pumuna na nagpa-wise si Yen na gumawa ng vlog alang-alang sa kanyang mga kinasasangkutang intriga,

 “Sabi ko nga, hindi ko ugali kasi magkorek ng tao… nakikita ko sa TikTok nagkalat, na malaki na raw ‘yung anak namin. Yes, malaki na siya, he’s 11 years old pero hindi po namin ‘yun anak ni Chavit. Kapatid ko po siya,” dagdag pa niya.

Family friend daw nila si Chavit at ninong daw ito ng kapatid niya.

“He’s a good family friend. Ninong siya nun’g kapatid ko, pero hindi namin siya anak. Okay? Kapatid ko po ‘yun,” sabi pa niya.

Pero iba ang version ng kuwento niya sa ilang malalapit na tao noon.