Youtuber nagpanggap na patay para makakuha ng refund sa airline!


NAG-VIRAL online ang British YouTuber na si Max Fosh matapos niyang pekein ang kanyang kamatayan para lang makuha ang $50 na refund mula sa isang airline.

Ayon kay Fosh, hindi niya nagamit ang binili niyang plane ticket, ngunit ayon sa patakaran ng airline, kamatayan ng pasahero ang tanging tatanggapin nilang dahilan para ma-refund ang bayad.

Dahil dito, nagpunta si Fosh sa Seborga, Italy, para kumuha ng “death certificate” mula sa isang lokal na opisyal. Ipinasa niya ito sa airline bilang patunay na “patay” na siya.

Ngunit ayon sa kanyang abogado, mapanganib ang ginawa ni Fosh at maaari siyang makasuhan ng fraud kahit na biro lamang ito.

Hindi pa rin niya nakuha ang refund, ngunit nag-trending ang kanyang video at umani nang maraming reaksiyon sa social media. Paalala ng ilan, mahalagang basahin at unawain ang refund policy ng airline bago bumili ng ticket.