2025 Batang Pinoy mascots ipinakilala ng PSC


Russell Cadayona — Pilipino Star Ngayon

October 3, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinakilala kahapon ng Philippine Sports Commission (PSC) sina “Oyo” at “Aya” bilang official mascots ng Batang Pinoy 2025 sa General Santos City.

Ipinakita rin ni PSC chairman Patrick ‘Pato’ Gre­­gorio at ng buong PSC Board ang mga medalyang ibibigay sa 2025 Batang Pinoy pati ang overall championship plaque at trophies sa press conference na idi­naos sa Century Park Ho­tel sa Manila.

Humigit-kumulang sa 24,000 delegates mula sa buong bansa ang lalahok sa nasabing annual sports event na huling isinagawa sa Puerto Princesa City, Pa­lawan noong nakaraang taon na pinagharian ng Pa­sig City.

Nakatakda ang 2025 Batang Pinoy sa Oktubre 25 hanggang 30.

Pinamunuan din ni Gregorio ang MOA signing ka­­sama ang mga partner institutions ng PSC para sa 2025 Batang Pinoy.

“We are more ready than ever,” ani PSC Commissioner at BP pro­ject di­rector Bong Coo.

Kabuuang 27 sports ang lalahukan ng mga ba­tang atletang may edad 17-anyos pababa.

Ang mga ito ay ang aquatics-swimming, arche­ry, arnis, athletics, badminton, basketball (3×3), bo­xing, chess, cycling, dance­sport, futsal, gymnastics, jiu-jitsu, judo, kickboxing, ka­rate, muay, pencak silat, sepak takraw, soft tennis, tennis, table tennis, taekwondo, volleyball, weight­lif­ting, wrestling at wushu.