August 16, 2025 | 12:00am
Magsasama sa isang ABS-CBN teleserye ang dalawang sikat na heartthrobs na sina Donny Pangilinan at Kyle Echarri para sa Roja, na mapapanood ngayong taon tampok ang bigating cast.
Parehong beteranong mga aktor at ilang mga inaabangan na young stars ang makakasama nina Donny at Kyle sa serye katulad nina Maymay Entrata, Raymond Bagatsing, Joel Torre, Janice de Belen at Lorna Tolentino.
Mula sa produksyon ng Dreamscape Entertainment, inanunsyo ang Roja sa pamamagitan ng nakakaintrigang video teaser sa social media kung saan tila magche-check in sa isang engrandeng resort, ang La Playa Roja, ang bawat cast member matapos ilatag ang kani-kanilang mga maleta.
Ang Roja ang nagsisilbing pagbabalik sa primetime serye nina Donny at Kyle pagkatapos ng kani-kanilang serye na How to Spot a Red Flag at Pamilya Sagrado.
Sino pa kaya ang iba pang mga cast member ng Roja?
