Alden, pulos dasal ang pantapat sa haters


SHOW-MY — Salve Asis — Pilipino Star Ngayon

August 22, 2025 | 12:00am

Pulos dasal ang na­ging pantapat ni Alden Richards sa kanyang haters naka-post sa kanyang Instagram stories.

Lately nga ay massive ang hater ni Alden dahil sa ikinum­pisal ni Maine Mendoza na hindi siya niligawan nito noong panahon ng AlDUb.

Pero si Maine na ang nakiusap na ‘wag namang magalit kay Alden.

Anuman daw ang ibig nitong sabihin sa kanyang mga inamin nang tanungin niya kung may feelings ito sa kanya, ito ay talagang para sa ikabubuti nilang dalawa at sa kanilang sitwasyon noong panahon ng Kalyeserye ng Eat Bulaga 10 years ago.

Good for Alden.

Hindi na siya gumawa ng post na magpapa-trigger sa mga hater niya na karir na ang pagbabantay ng pwedeng gawing intriga sa social media.