Ipinagdarasal ni Vina Morales na makahanap siya ng lalaking magiging asawa niya.
Talaga raw naka-particular sa asawa ang hiling niya sa Diyos.
At wala siyang ideal man, kung sino ang ibigay sa kanya ng Diyos, doon siya.
Wala rin siyang problem with her daughter, Ceana, who is now 16 years old.
In all fairness, wish din aniya ng anak niyang magkaroon siya ng partner.
“Oo naman, gusto niya na magkaroon din ako ng ka-partner sa buhay. But of course, ayaw ko lang kasi ipilit. I mean, I see guys, may mga nakikilala naman ako. Pero, kung hindi pa talaga ‘yun, ayaw kong ipilit. Not like kasi before, when you were younger, ‘pag may makita ka na nagdi-date-date ka, I mean, you’d see them, meet up with them. Nag-date kayo, feeling mo ‘yun na ‘yun. Parang ganun. Tapos ipipilit mo. Eh kung hindi naman swak, ‘di ba? Lalong mahihirapan ka, iiyak ka lang, kasi nga, hindi nga eh pinipilit mo lang,” umpisa ni Vina kahapon sa ginanap sa Spotlight Presscon kahapon ng Star Magic.
Pero may ideal man ba siya?
“Wala na eh. Kasi before… Meron naman, pero ngayon kasi parang nag-iba na ‘yung outlook mo. I mean, I don’t want to be so superficial. I’m more of kung sino ‘yung ibibigay sa akin ng Panginoon. Para sa akin, parang ganun na ako ngayon. Whoever that guy is, I want it to come from God or from Him. Ayaw ko na ‘yung gusto ko. Gusto ko ‘yung gusto Niya. So I always say, thank God,” banggit pa ng actress.
Naghihintay raw siya ng tamang panahon as in taking her time.
“Yeah, I’m taking time, na makilala ‘yung taong ‘yun. Kung hindi talaga para sa akin, ayaw ko ipilit.”
Pero kumusta naman si Ceana, interested ba sa showbiz?
“Tanong ko sa kanya na, ‘do you want to be an actress?’ Parang I don’t know, maybe. Before kasi parang medyo mahiyain masyado. Ngayon nakikita ko, maybe there’s a possibility pero ayaw ko ipilit. Pero mas gusto ko syempre mag-aral siya.
“Before ayaw. Nahihiya siya. Pero now, sumasagot siya ng ‘Sige, Mommy, let’s do that together.’ So, pumapayag na siya ‘pag may mga offer na ano.
Kumakanta rin daw ito, pero nahihiya pa.
Pero aniya, hindi pa nag-aartista ang anak niya. “Pasok muna siya, aral muna.”
Anyway, komento ng iba, bagay sa kanya ay AFAM.
“Ha? Tom Cruz,” sabay tawa ni Vina na kinokonek niya sa patok afternoon teleserye na Cruz Vs. Cruz sa GMA 7.
At believe ito or not, forty years na siya sa showbiz at para sa kanya, may formula kung bakit nagtatagal sa showbiz.
Ito nga at trending lagi ng Cruz vs. Cruz “Unang-una, maganda talaga ‘yung istorya. Tsaka makikita mo kasi ‘yung, I think ‘yung cast, swak na swak sa mga characters na makikita mo at mararamdaman mo talaga ‘yung connection naming lahat bilang Mrs. Cruz. Si Mrs. Cruz naman si Gladys (Reyes), and of course si Neil Sese, plus ‘yung kids na mga anak namin. Talagang ang gagaling din nila. Of course, with the help of Direk Gil Tejada. Hindi kami pinababayaan sa mga eksena. Hindi pwede ‘yung basta-basta lang na umarte. Hindi, makikita mo talaga na pinaghihirapan namin and we really like focus on our characters and match the scenes,” mahabang kuwento niya kahapon.
So, nai-imagine mo na ikaw, reyna ka ng afternoon serye?
“Ay, hindi ko naisip ‘yun. Bawal mag-isip ng ganyan. Hindi ka magtatagal sa showbiz ‘pag ganyan.
“No, it never came to my mind. Even though when I was younger, I am just always grateful. Alam n’yo ‘yan, hindi ako magtatagal sa ganito kung may attitude problem ako. And you’ve seen that all through the years, all through the decades. Kung sino man ‘yung mga nakakatrabaho ko. Wala silang narereklamo tungkol sa akin, bilang katrabaho sa showbiz. So, never ko naisip na nagpapa-diva or iniisip ko na queen or whatever.
“Hindi ako siguro, sa akin grateful ako. Never kong naiisip na ganyan, na kailangan mas feeling ko dahil mas may magagandang proyekto o nandidiyan pa rin. If you feel, if you’re humble enough, I guess you will have more projects, for me. Because sa tagal ko na rito, ang daming mga magagaling na upcoming or ang daming before na talented singers or actors. Because I considered myself as a singer too. Maraming ganun na situation pero maraming magagaling at talented. Pero kung may attitude problem, hindi talaga siya nagtatagal. Kasi I always believe kasi na ‘yung mga production, syempre nakikiramdam ‘yan kung problema ka sa set at hindi ka kukunin, ‘di ba? So, ‘yun ang mga napansin ko ha, over these years, na kailangan pa rin talaga you have the right attitude. Even though you’re very talented, pero kung wala ka, kung hindi ka humble, and not grateful enough, then you won’t work. Yung longevity mo rito, hindi talaga magwo-work.”
May naalala ba siyang natarayan siya or nayayabangan siya sa set before? Or nag-attitude? Na-experience na rin niya ang ganun?
“Hindi naman to the max, ‘no, na nararamdaman ko. Pero maghihintay kami sa set. May mga ganun talaga. Hindi ko alam kung anong mga pinagdaraanan nila. I don’t really, I don’t judge them. Because siguro, during that time, meron silang problema or pinagdaraanan. I don’t know if it’s really their attitude, na nagpapahintay sa set or hinihintay sa set during that time. Pero I don’t want to judge them. Pero meron. Oo naman. I’m sure, maraming naka-experience.”
Paano mo hina-handle ‘yun? “Dinededma ko lang. Kasi maski magreklamo ako sa set wala ring epekto ‘yun eh. And I’m sure the production took care of that. Naunahan na ako, bago ako. Bago ako mag-react, ‘di ba,” sabi niya pero wala masyadong detalye.
In fairness to her, nanatiling relevant si Vina na handa pa ring makipagtrabaho kay Senator Robin Padilla na common knowledge kung ano ang kanilang nakaraan.
