Alex Eala | Pilipino Star Ngayon


PRESS ROW — Abac Cordero — Pilipino Star Ngayon

August 27, 2025 | 12:00am

Marami tayong great athletes – past and present.

Nariyan sila Caloy Loyzaga, Pancho Villa, Flash Elorde, Paeng Nepomuceno, Lydia de Vega, Elma Muros, Robert Jaworski, Efren Reyes, Manny Pacquiao, EJ Obiena, Hidilyn Diaz at Carlos Yulo.

Meron sana akong gusto idagdag. Siya si Alex Eala.

Yes, hinahanap pa ni Eala ang first title niya sa women’s professional tennis. Pero para sa edad na 20, ibang klase na ang nagawa niya.

May mga tinalo na siyang Grand Slam champions kasama na ang dating world No. 1 na si Iga Swiatek ng Poland.

At ngayon, nasa US Open si Eala. Nung Lunes, nanalo siya sa first round kontra kay Clara Tauson ng Denmark, ang world No. 15.

Nasa No. 75 ngayon si Eala. Mamayang gabi ang next match niya kontra Cristina Bucsa ng Spain

Sa ngayon, history na ang ginawa ni Eala. Siya ang unang Pinay tennis player na nanalo ng match sa main draw ng isang Grand Slam tournament.

 Sa men’s division, meron tayong matinik na player nung 1950s – si Felicisimo Ampon.

Pero kay Eala tayo tumutok ngayon dahil modern era na. Iba na ang level ng competition. And global stage ito. Buong mundo ang nanonood.

Kaya para ma-represent ni Eala ang Pinas sa mga Grand Slam tournaments, at talunin ang ibang Top 10 players, malaking bagay na.

Sa ngayon, guaranteed na si Eala ng halos P9 million. At kung manalo siya mamaya, magiging P13 million ito. Big time ang professional tennis. Sa US Open sa New York, $5 million ang sa champion.

Malay mo lang!