10 million daw na utang, sinupalpal ni Ellen!


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

August 28, 2025 | 12:00am

Hindi pinalampas ni Ellen Adarna ang ‘scoop’ supposedly ng isang Facebook account na biglaan siyang lumayas ng bansa sa kalagitnaan ng drama sa diumano’y hiwalayan nila ng mister na si Derek Ramsay dahil sa diumano’y utang na P10 million.

Ipinost ito ni Ellen sa kanyang Instagram stories at nagkomento ng: “Hoy umayos kayo… wala akong utang ever lol. I don’t even have a US Visa because im so praning with all the shooting there. Looool DONT ME. Dami nyong hanash.”

Samantalata,maraming nakapansin na sandaling nawala ang Instagram account ni Derek Ramsay.

Pag sini-search mo raw ang pangalan niya ay makikita ang message na “Sorry, this page isn’t available. The link you followed may be broken, or the page may have been removed. Go back to Instagram.”

Pero hindi naman nagtagal ay bumalik din.

Na nagpatibay daw sa intrigang may pinagdaraanan nga silang mag-asawa sa kabila nang patanggi ng dating actor tungkol dito.