Gerald never naisip na magiging direktor


Dedma sa break-up daw nila ni Julia

Ba’t kaya ayaw tigilan sila Gerald Anderson and Julia Barretto tungkol sa diumano’y break-up nila?

Baka kasi ayaw pa lang nilang umamin.

Last May pa lumalabas ang intrigang split na sila.

Maraming nakapansin na hindi na sila nakikitang magkasama.

Kagaya raw noong kasal ni Claudia Barretto kay Basti Lorenzo, wala ang actor.

Pati raw noong birthday ng mommy ni Julia na si Marjorie Barretto ay absent din si Gerald.

Iniintriga rin ang huling travel ng aktres sa Morocco na solo na lang daw ito at hindi kasama si Gerald na isa na ring direktor.

Habang napansin nila na ang bida sa crime thriller na Sins of the Father ay madalas kaibigan at trabaho ang kasa-kasama.

Wala rin daw ang actor at hindi man lang nag-congratulate nang dumalo si Julia sa 8th Eddys at tanggapin nito ang kanyang Box Office Hero Award.

At gwaryado rin nila na hindi na ito nagla-like sa mga post ni Julia.

Dahil doon, ang concensus ng followers nila, wala silang relasyon.

May slight na denial si Gerald tungkol dito noon pala pero parang ayaw nilang maniwala.

But anyway, mas tutok ngayon si Gerald sa teleserye niyang Sins of the Father na pinagbibidahan niya at nagdirek din siya.

Lalo na raw at ang laki ng mga artistang kasama niya sa teleserye.

Pero hindi raw talaga niya naisip na magiging direktor siya.

“Never, never ko talaga naisip na maging Director talaga kasi alam kong iba siya. Ibang craft, something that I did not really aspire to be. But at the same time, nung bata ako, I didn’t really aspire to be an actor. Wala talaga ‘yan sa ano ko.”

Basketball ang gusto mo?

“Yes, basketball or papasok ako sa military. Nasa dalawa lang ‘yun. So, but of course, when an opportunity so good is handed to you. And it was handed to me 19 years naman in my career. So ako naman, wala naman akong film school na in-attend-an. But I’m a very observant person. And I listen to the directors and I see them how they work for the past 19 years. Not saying na nandun ako sa level nila. I have so much to learn. But, itong first step talagang mas lumakas pa ‘yung respeto ko sa kanila because it’s not an easy job. Mahirap sya. You are the captain of the ship. Ikaw ‘yung leader. May pressure ka from the production force, kasi we’re working with limited time. Minsan ‘yung location. Minsan ‘yung artista. So, when you put all of that together and the director has to produce something na at least quality sana, it’s very hard. It’s very hard. But I enjoyed my experience. Ang dami ko pong natutunan and I’ve learned a lot through this whole process. At sobrang thankful ako,” pag-amin ni Gerald sa ginaganap na set visit sa Sins of the Father noong isang gabi.

At ang challenge andun daw : “Challenge? In a way, yes. Kasi syempre kailangan integrative lahat. Kailangan buo ‘yung bawat karakter.

“And as an actor, parang wala sa playground, para akong nasa Disneyland. You can work with actors like these. Everyone’s professional, everyone comes ready. Mahal nila ‘yung ginagawa nila.

“And I’ve worked with people like them na talagang passionate at may malasakit, may passion for the craft, for the work,” dagdag niyang kuwento tungkol sa kanyang trabaho bilang bida at direktor ng Sins of the Father.

“But, again, how blessed am I to be able to work with them. Si Tito Pip (Triso Cruz III), si Ms. Lotlot (de Leon), with our directors at the creative team. I don’t know. I think may nagawa akong tama sa buhay ko para makarating ako rito sa sitwasyon na ito.

“And even the young ones, grabe. Sina Francine (Diaz), si Seth (Fedelin). Minsan tinitingnan ko lang sila eh kasi syempre parang 19 years ago, ako ‘yun eh. So, to see ‘yung passion nila, na gusto pa nilang mag-evolve. I think si Francine medyo sa first week namin, medyo daring. Pwede bang sabihing medyo daring ‘yung, I don’t know if nakagawa siya ng ganyan before, but for her to accept that, that’s a big challenge para sa kanya. And Seth is also evolving. So yeah, ako naman, as the lead, as the number one on the call sheet, on paper, I just try to set a tone. But everyone’s amazing,” mahabang komento ng aktor na nagdiriwang ng kanyang ika-19 taon sa showbiz.

Sinabi niya ring may bitbit siyang pressure sa kanyang ginagawa sa kasalukuyan.

“Ako sasagutin ko as an actor na, yeah, mas mahirap siya also for actors kasi alam mo ‘yung pressure na bitbit mo kasi alam mo na marami makaka-relate, maraming dumaan sa ganitong sitwasyon.

“But that’s also one thing na lagi ko rin nire-request sa ABS or sa mga boss ko na sana po ‘yung show ko ay may social awareness. Like this, kasi as an actor, yes, nandun ‘yung pressure but it inspires me more na pagbutihin ‘yung trabaho kasi alam ko may makaka-relate at alam ko may mga tao na dumaan sa ganitong sitwasyon.

“So ‘yun, and I also just want to say, of course, kay Gary Cua, ‘yung stunt director namin. Talagang inalalayan niya ako. Ewan ko, nandito siya kanina eh. Si Bruce Lee of the Philippines.

“I don’t think matatapos ko ‘yung mga natapos ko. Again, I just, I can’t say enough about if being a team talaga. Not one man, not one person talagang kayang tapusin gaya ng mga director ko. What you see sa mga TV na pinapanood ninyo, hindi lang po dahil sa directing, lalong hindi lang dahil sa artista. It takes the whole team talaga, from the creative, to the PAs, to the producers, to the crew, to the cameraman, lahat po ‘yan,” pagbabahagi niya sa proseso sa pagbuo ng kwento ni Samuel Trinidad (Gerald) na isang bank manager na guguho ang mundo pagkatapos mamatay ang kanyang ama na sangkot sa isang pangmalakihang scam.

Kasama ni Gerald dito si Jessy Mendiola ganundin sina Shaina Magdayao, Francine Diaz, Seth Fedelin, JC De Vera, RK Bagatsing, Lotlot de Leon, John Arcilla, Joko Diaz, at Tirso Cruz III.

Napapanood ito Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC 9:30 PM.