September 4, 2025 | 12:00am
Maliban sa usual live broadcast namin sa Marites University sa youtube, naglalaan din ang production team paminsan minsan ng taping para sa interview ng artista. (masyadong masisipag!)
Hindi lang talaga kaya ng powers ko ‘yung taping dahil may conflict sa ibang sched ko. (feeling busy?!) Kaya sa live airing lang talaga ako. (o baka attitude host lang ako!)
Pero nung malaman kong si Gelli De Belen ang isasalang sa taping, sinubukan ko talagang umappear.
Umabot naman ako, pero pa-extro na sila! (so attitude talaga ako?!)
Nakapag-chikahan naman kami kahit papaano. Love ko ‘yang si Ateng Gelli, dahil sa mga pagkakataon na nagkakatrabaho kami, ang gaan-gaan nyang kasama. (sure na waley attitude!)
Natatawa nga kami kasi hindi naming maalala kung saan kami eksaktong probinsyang nagpunta para sa isang hosting gig months ago.
Samantalng nag-overnight pa kami dun. (sign of aging ba ito?!)
Nag-guest si Gelli para i-promote ang pelikula niyang Outside de Familia kung saan kasama nya sina Ruby Ruiz, Sheila Francisco at Matet de Leon. (now showing na ‘yan!) “Simple lang po ‘yung movie, pero may kurot sa puso.” (parang may gusto akong kurutin sa ilong! ‘Di ba ateng?!)
Napag-usapan din syempre ang 28 years nila ni Ariel Rivera bilang mag-asawa. “Grateful lang talaga ako naging swak kami ni Ariel.
Feeling ko sya ‘yung right person for me. Feeling ko rin ‘yung excitement, that’s fleeting eh. Malalim kasi ‘yung pinagsamahan namin. He is my home. “(may forever!)
Based sa Toronto Canada ang kanilang mga anak na sina Joaquin and Julio na abala sa kanilang pag-aaral at sa itinayo nilang business na Lolo Ben’s Biko (na recipe ng tatay ni Ariel ha!)
Naisip ito ni Gellie para magkaroon ng extra income nung pandemya. “Kung anuman ‘yung mga pangarap nila, gusto namin matupad at magawa nila nang maayos.
I just want them to become the best versions of themselves, na they become really great men with integrity.
Tapos ‘yung magkaroon sila ng maayos na pamilya.” (pengeng biko!)
Bilang ramdam ni Gelli ang pagbabago sa takbo ng showbiz industry ngayon, alam niyang kailangan din niyang makisabay kahit papaano.
Maliban sa showbiz commitments, meron na rin ‘yang vlog, ang Just Gellie. (mag collab tayo!)
“I just want to be able to work and still do what I love to do which is acting, hosting… everything!,” paglalahad ni Gelli. (gawa tayo na ng show!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com