Jerome, hindi ramdam ang stress kay Krissha


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

September 6, 2025 | 12:00am

Matapos pakiligin ang mga manonood sa digital series na Safe Skies, Archer, ang KrisshRome love team nina Krissha Viaje at Jerome Ponce ay mapapanood na sa inaabangang weekly series sa TV5 na Para Sa Isa’t Isa.

Produced ng MavenPro at Sari-Sari Network, Inc., ang light fantasy-drama ay mag-uumpisang ipalabas sa Setyembre 13, tuwing Sabado ng 5:30 p.m., bago ang Vibe TV sa Weekend Trip ng TV5.

Kuwento ng rediscovery and second chances, ang Para Sa Isa’t Isa ay kuwento ng pagmamahalan at pantasya na siguradong aabangan ng mga manonood.

At anong naramdaman ni Jerome ngayong nagtuloy ang tambalan nila ni Krissha: “Syempre, wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam na comfortable agad  kami Krissha. From Safe Skies, ito kami ulit magkakatrabaho at mas kumbaga may naging 2.0 kami dito eh, kasi kahit ako nagulat ako na parang, uy saglit lang, lumabas lang tayo saglit ni Direk Easy (Ferrer) parang iba na, iba na ‘yung vibe pagdating sa eksena,” sabi ni Jerome na gaganap na Zion Magtibay.

“Nandun ‘yung stress pero mararamdaman kasi ninyo na ang kulit lang namin tapos ang saya-saya. Nagagawa namin ‘yung trabaho nang maayos. Kaya nga siguro ‘yung ang ganda lang din ng title na Para sa Isa’t Isa. Dito parang halos everyday pwede kaming mag-wish. Kaya ako nga, ang wish ko there will be more blessings para sa akin, KrisshRome, ‘di ba? Hindi lang, as KrishRome din kundi kay Krissha at sa akin din,” sabi pa ng actor.

Aminado rin siya na ibang klase ang naging chemistry nila ni Krissha sa Safe Skies.

“Honestly, ibang klaseng discovery kasi ‘yun. Kung napanood ninyo ‘yung Safe Skies, Archer, ibang gulat ‘yung discovery ng chemistry namin dun eh. Kasi kahit ako nagulat ako sa script tsaka sa book na ‘yun eh. Pero dito, ang na-discover naman po kasi namin is ‘yung more on dun naka-center sa drama. I mean, pareho namang drama, pero kasi mas nailabas ni Direk (Easy Ferrer) ‘yung pagka-heavy nung mga eksena. More on mas hindi out of the book, talagang out of experience na s’ya eh. So ‘yun, ako, parang at some point kahit hindi ninyo na i-point ito sa akin, may mga na-feel ako na mga bubog, masakit sa buhay, na alam mo ‘yun, nakikita lang siya habang pinapanood sa eksena,” dagdag pa niya sa kanilang ginawa ni Krissha.

Sabi naman ng young actress: “In terms of chemistry, kasi parang magandang starter na talaga ‘yung sa Safe Skies. Kasi lahat ginawa na namin dun. So, parang mas madali na lang din. Hindi, alam nila ‘yun. Dito kumbaga parang nag-mature na siya in a sense na kailangan makita nila na mag-asawa na kami rito. Mas madali, actually, ‘yung chemistry namin now.

“Kasi, ‘yun nga, since bugbog na talaga kami dun sa first na ginawa naming project together. And then, ‘yung discovery, so far, wala pa akong bago na na-discover sa kanya.

“Siguro sa mga next na taping days, baka meron pa akong bagong ma-discover. But, because he’s still the same. He’s still the same supportive na co-partner. Kapag alam ko, isa ‘yung method ko kailangan, kasi kapag wala ‘yung camera sa kanya, syempre, hindi naman siya nakikita. So, other actors minsan sinasabi lang ‘yung line. But, I would tell them, ‘can you please, mag-acting ka pa rin para I can react to you, please.’ Okay. kahit uulitin niya lahat ng gagawin. And I appreciate him for that,” sabi ni Krissha na nabanggit noon na ang gusto lang ay maging isang recording artist kung saan una niyang sinubukan ang kanyang suwerte sa showbiz sa edad na 12, sa pagpasok sa singing contest na Little Big Star Season 2 at pumangalawa lang siya.

Noong 2017, inilunsad naman siya bilang bahagi ng pop group na GirlTrends. Sa parehong taon, kinatawan niya ang Pilipinas at Asya sa Nippon TV’s I Can Sing in Japanese, isang paligsahan para sa mga non-Japanese na singers na ginanap sa Tokyo.

Kuwento ito nina Zion Magtibay (Jerome Ponce) at Erin Revina (Krissha Viaje), ang magkaribal sa high school na kalaunan ay nagmahalan at nagpakasal sa isa’t isa.

Pero matapos ang 10 taon ng kanilang pagsasama, isang sitwasyon ang susubok sa kanila na humantong sa kanilang paghihiwalay.

Sinubukan na i-undo ang mga nangyari, wish ni Zion na ibalik ang mga oras, at magising siya noong hindi pa sila nagkakakilala ni Erin.

Kasama rin dito sina Paulo Angeles as Gilbert, Erin’s persistent admirer; Kelley Day as Camille, a friend of Zion who has hidden feelings for him; Vandolph Quizon as Ninong Rick, Erin’s eccentric godfather who has a mysterious connection to the magic of the wishing well; Andrea Del Rosario as Dina Magtibay, Zion’s demented yet loving mother; and Bobby Andrews as Jorge Revina, as Erin’s stern father. Adding young love to the story are rising teen duo Xia Vigor and Filipino boy group GAT member Charles Law, marking their first major project together as the on-screen pair XiaLes.