Pilipino Star Ngayon
September 7, 2025 | 12:00am
Hatid ng FPJ sa GMA ngayong Setyembre ang panibagong lineup ng mga classic na pelikula ng nag-iisang “Da King” of Philippines movies.
Mapapanood tuwing Linggo ng 3:15 p.m. sa GMA, ang una sa listahan ay ang romantic comedy film noong 1974 na pinagbidahan nina Fernando Poe Jr. at Star for All Seasons Vilma Santos na Batya’t Palu-Palo sa Setyembre 7.
Sa Setyembre 14 naman, ihanda ang sarili sa isang hapon na puno ng aksyon at mga pasabog sa Kapag Buhay ang Inutang. Tampok din dito ang isa pang haligi ng pelikulang Pilipino na si Eddie Garcia.
Kasama naman si Azenith Briones sa pelikulang Patayin si Mediavillo noong 1978. Balikan ang matitinding action scenes ni FPJ dito sa Setyembre 21.
At sa huling pelikula ngayong buwan, ipalalabas sa Setyembre 28 ang Mabuting Kaibigan, Masamang Kaaway. Dito nagsanib-puwersa noong 1991 sina FPJ at Vic Vargas para sa isang kwento ng magkaibigang nagkasira dahil sa pagtataksil. Mapapanood ito ng 3:45 p.m. pagkatapos ng The Atom Araullo Specials.
