October 1, 2025 | 12:00am
At the thanksgiving presscon ng hit Viva One series na Seducing Drake Palma na tinampukan ng bagong hot loveteam ng Viva na sina Rabin Angeles at Angela Muji sa Viva Café ay ipinalabas ang teaser ng kanilang launching movie, ang A Werewolf Boy, ang local adaptation ng 2012 hit Korean movie of the same title na tinampukan ng Korean stars na sina Song Joong-ki, Park Bo-young at Lee Yeong-ran at dinirek ni Jo Sung-hee.
?Ito ay may temang drama, romance and comedy with a touch of fantasy na ang Philippine version ay pamamahalaan ni Crisanto Aquino na siya ring nagdirek kina Rabin at Angela sa kanilang first-ever series together, ang Wattpad film adaption na Seducing Drake Palma.
?Maihahalintulad ang team-up nina Rabin at Angela sa bagong tambalan nina Andres Muhlach at Ashtine Olviga na nagsimula sa isang Wattpad material na ginawang serye, ang Ang Mutya ng Section E na nag-hit. Agad ding sinugalan ng Viva ang dalawa sa kanilang first ever movie together, ang Minamahal: 100 Bulaklak Para kay Luna na hanggang ngayon ay patuloy pa ring palabas sa mga sinehan nationwide. Ito’y mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana.
?Sa loob lamang ng isang taon ay dalawang loveteam ang napasikat ng Viva, ang AshDres nina Andres at Ashtine kasunod ang tambalan nina Rabin at Angela.
?Kung matatandaan pa, back in 2014 ay sinugalan din ng Viva ang team-up nina James Reid at Nadine Lustre and the two emerged one of the hottest loveteams sa bansa until their breakup in 2018 na siya ring naging mitsa ng pagkabuwag ng kanilang loveteam.
?Iba talaga ang ‘mata’ ni Boss Vic del Rosario, chairman-CEO ng Viva Group of Companies pagdating sa raw talents na kinakikitaan niya ng potential na maging major stars balang araw na nagawa niya noon kina Sharon Cuneta, Donna Cruz, Sarah Geronimo, Aga Muhlach and Regine Velasquez, just to mention a few.
