Kim mananakot, misteryosa, inabot ng lindol sa Cebu!


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

October 2, 2025 | 12:00am

“Medyo blurred lang, may aftershock pa ata ang phone ko sa lindol,” post ni Kim Chiu kahapon ng umaga.

Kasalukuyang nasa Cebu ang team ng Dreamscape Entertainment para sa taping ng The Alibi.

Malakas ang lindol sa Cebu noong Sept. 30.

Ilang segundo lang bago mag alas-10 ng gabi noong Martes, tumama ang magnitude 6.9 na lindol malapit sa Daanbantayan sa Cebu Island.

Tulad nang iniulat ng ilang seismological observatories sa buong mundo, ito ay nagresulta sa matinding pagyanig ng lupa sa kalapit na lugar na nagdulot ng malubhang pinsala sa infrastructure, tulad ng pagbagsak at pagguho ng centuries-old church ng Daanbantayan at matinding pinsala sa mga commercial establishment at ilang bahagi ng mga regional highway.

Kabilang din ang Bogo City sa pinakamatinding tinamaan ng 6.9 magnitude na lindol.

Kinumpirma rin na 69 katao na raw ang namatay sa mga gumuhong infrastructure sa Cebu.

At doon nagti-taping sila Kim, matagal-tagal na.

Kaya may patikim ang Prime Video sa paparating nitong Filipino series na The Alibi, ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN Studios.

Isa itong nakakatakot na psychological thriller that explores the razor-thin line between truth and deception. Blurring the lines between love, betrayal, and survival, ang The Alibi ay itinakda laban sa backdrop ng kapangyarihan, pribilehiyo, at mga nakatagong kasalanan.

With shocking twists at every turn, the series dares to ask: how far would you go to protect the people you love – and what truth would you be willing to bury?

Ang Alibi ay sumali sa libu-libong iba pang mga palabas at pelikulang available sa Prime Video catalogue, tulad ng LOL: Last One Laughing Philippines, Drag Den with Manila Luzon Seasons 1 at 2, Roadkillers, Linlang; Korean titles gaya ng Confidence Queen, Head Over Heels, GOOD BOY, The Divorce Insurance, Newtopia, No Gain No Love, Jinny’s Kitchen 2, Marry My Husband, Death’s Game; anime hit gaya ng Mobile Suit Gundam GQuuuuuuX, Jujutsu Kaisen 0, Rurouni Kenshin; bukod pa sa award-winning at critically acclaimed na Amazon Originals tulad ng The Summer I Turned Pretty, The Idea of ??You, Fallout, Heads of State, G20, Another Simple Favor, You’re Cordially Invited, The Lord of the Rings: The Rings of Power, Reacher, at The Boys.