October 3, 2025 | 12:00am
Gumuho ang pagtingin ng ilang production staff kay respetadong aktor, dahil sa ‘di magandang ipinakita nito sa kanilang programa.
Akala mo okay na okay ang kanilang pagsasama sa set, hindi pala.
May attitude raw itong si respetadong aktor na hindi nagustuhan ng production staff.
Kung hindi mo alam kung ano talaga ang nangyayari sa set, akala mo okay na okay sila.
Sa ngayon ay ayaw pa munang magsalita ng ilang staff na napagtanungan ko.
Saka na lang daw dahil lalabas din naman ang kuwento tungkol sa naturang aktor.
Pero ayaw na nilang makatrabaho itong si aktor.
Kinulit ko pa rin kung ano ba talaga ang ginawa nitong aktor.
Hindi lang idinetalye sa amin.
Ang sabi lang ng isang staff, huwag daw sanang magko-complain itong si aktor dahil sa laki ng talent fee na natatanggap niya, hindi siya puwedeng magreklamo.
Mabuti raw sana kung nasusulit nito sa acting ang talent fee niya, e hindi naman daw.
Umeere pa raw ang naturang programa nitong aktor, kaya ayaw pa nilang magkuwento ng detalye.
Hindi naman daw ‘yan forever na maitatago. Lalabas at lalabas din naman daw kung ano ang pinaggagagawa nitong aktor sa kanilang set.
Aktres na ikakasal, ayaw nangtumanggap ng teleserye
Ang daming nagtanong sa amin kung sino itong aktres na nakatakda nang ikasal next month.
Hindi naman namin kino-confirm kung talagang tuloy ito.
Wala kaming ideya kung sino ang non-showbiz ang pakakasalan nito. Pero mukhang tuloy daw dahil tumatanggi raw ngayon si aktres sa projects na inaalok sa kanya.
Maganda raw ang drama series na binibigay sa kanya pero tinanggihan ng aktres.
Kaya nagdududa sila kung may ibang plano ba ito dahil wala na nga raw itong show sa ngayon.
Magpapkasal na nga kaya siya?
Abangan na lang natin kung meron ngang kasalang magaganap next month.
dalawang pelikulang TAGALOG NA nagbukas sa mga sinehan, malungkot ang kapalaran
Ayaw na magbigay ng aming source ng figures pero nakakalungkot daw ang box-office results ng pelikulang nag-showing sa mga sinehan nung Miyerkules.
Expected na namin ang sa Isla Babuyan dahil limitado lang ang mga sinehang nakuha dahil sa R-18 na ibinigay ng MTRCB o Movie and Television Review and Classification Board. Kaya walang SM cinemas na nakuha.
Ang kasabay nitong nag-showing ay ang The Last BeerGin na magaganda naman ang feedback na nakuha namin.
Kaya inaasahan pa ring sa word of mouth ay puwede pa itong bumawi sa darating na weekend.
Napag-usapan nga namin ito sa nakaraang presscon, nandiyan ang pangamba ng mga producer pati ang director at mga artista dahil sa gulong nangyayari ngayon sa ating pulitika.
Galit na ang mga tao at nakatutok na sila kung ano ang kahihinatnan ng imbestigasyong ito sa corruption.
Kaya may panahon ba silang manood ng sine?
Sabi ng director ng The Last BeerGin na si Nuel Naval, “Totoo naman na ang daming realities ngayon na sumasampal sa atin.
“Of course! Tama naman na harapin natin ‘yun at maging involved tayo.
“May fear din ako na masyado tayong busy sa mga ganung klaseng issues.
“Kaya sa akin ang mga ganitong pelikula… it is sad to say na na entertainment lang. Pero breaker siya e.
“Since dramedy ‘yung movie… matatawa ka sa mga nangyayari sa atin. At the same time, affected ka.
“And I think dapat maganda ‘yun e, na i-acknowledge natin na may mga ganitong nangyayari, at the same time i-accept mo, harapin mo. Parang ganun ‘yung sinasabi nung pelikula.
“Of course matakot, dahil lahat… matagal na tayong affected e. Ang industriya natin ‘di ba since pandemic, affected na tayo.
“Ngayon unti-unti na tayong bumabangon na sana magtuluy-tuloy na.”
Sabi naman ni Cherry Pie Picache, tama rin namang makialam tayo sa mga nangyayari at maging mapagmatyag. Pero sana tulungan pa rin natin ang ating movie industry na makabangon.