Bini, bagong era sa First Luv!


Pilipino Star Ngayon

October 4, 2025 | 12:00am

Panibagong era ang sisimulan ng BINI hatid ang kanilang Filipino single na First Luv bago ang makasaysayang performance nila sa Coachella sa susunod na taon at inaabangang pagbabalik sa The Philippine Arena sa Nobyembre.

Ito ang unang single mula sa upcoming album ng nation’s girl group na kanilang pinaghahandaan at unang Tagalog song mula nang ilabas nila ang chart-topping hit na Salamin, Salamin.

Iprinodyus at isinulat ito ni Kajo kasama sina Rosemarie Tan, Kiana Valenciano, SHAN, at dwta. Binuo naman nina Reden Blanquera at Matthew Almodovar ang choreography ng awitin.

Kasabay ng First Luv, available na rin ang tickets para sa BINIfied concert na gaganapin sa Philippine Arena sa Nob. 29 (Sabado). Mabibili ito sa Pulp Tickets at Ticketnet outlets sa halagang P14,999 (VIP standing), P11,999 (VIP seated), P7,499 (lower box A regular), P5,499 (lower box B premium), P4,499 (lower box B regular), P2,999 (upper box A), P1,999 (upper box B), at P849 (gen ad).

Kamakailan ay gumawa ng kasaysayan ang BINI bilang kauna-unahang Filipino group na makakapagtanghal sa Coachella 2026 kung saan makakasama nila ang iba’t ibang global music acts tulad nina Sabrina Carpenter, Justin Bieber, at Karol G.