October 9, 2025 | 12:00am
OA rin nga ang ibang netizens. Lahat na lang ay may meaning particular na sa mga post ni Heart Evangelista.
Kahapon ay nag-viral ang post ni Heart na kesyo na naka-point finger siya.
Redemption daw.
Makikita kasi sa second photo ang hawak niyang nasusunog na sage (an aromatic, medicinal herb from the mint family used in cooking and traditional medicine, or it can mean a wise and experienced person — ayon sa Google) habang tila nakataas ang kanyang gitnang daliri.
Kung saan nag-comment pa ang ina niyang si Cecilia Ongpauco. “Now that’s the Lady I raised.”
Na sinagot ni Heart ng pasasalamat. “love you mom, thank you for everything,” sabi niya.
Pero ang the height, pati ang hawak niyang sage ay tinatanong ng followers ni Heart kung saan nabibili.
At ‘yun nga, clap back daw ‘yun ng Fashion Icon sa bashers : “Pak! That’s how Queen claps back, with glamour and grace,” sabi naman ng isa pa.
Katawa naman ‘yung isang comment na “People need a piece of sage for calmness.”
