Justin at Katy, may supersized attraction


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

October 18, 2025 | 12:00am

Parang exciting subaybayan ang love story nina former Canadian prime minister Justin Trudeau at pop star Katy Perry.

Hindi raw talaga naghahanap ng bagong pag-ibig si Katy Perry pagkatapos ng breakup nila ni Orlando Bloom pero ayon sa lumabas na article sa PEOPLE: “When she first hung out with Justin, she wasn’t looking to date, but they stayed in touch. They have many shared interests and a lot to talk about, but Katy was navigating too many things to even think about dating then,” ayon sa source ng magazine.

At ayon pa sa report, since then ay pinu-pursue na ng dating prime minister ng Canada ang singer na nakarating na sa kalawakan.

“He even flew to California to see her during a tour break. They have an easy connection. She finds him attractive. He’s been very respectful,” ayon pa sa kanilang inside.

May mutual admiration din daw sila. “Justin thinks she is terrific. It has had time to develop on a friend and intellectual level as well as supersized attraction. The romance has merit,” ayon pa sa kanilang source.

Nauna nang namataan ang dalawa na naghahalikan sa isang yate sa Santa Barbara, California noong Setyembre.

Si Katy ay dating may relasyon kay Orlando Bloom at inanunsyo nila ang kanilang hiwalayan noong Hulyo 3.

Samantala, ikinasal si Justin kay Sophie Grégoire at inanunsyo nila na maghihiwalay sila noong Agosto 2023.

Parang kwento na napapanood natin sa pelikula.